Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pilipinang kritikal dahil inatake sa puso, inilihim daw ang sakit

09 April 2023

 Ng The SUN

Nasa kritikal na kalagayan pa rin si Mary Grace

Kapag may pinagdaraanang sakit ay agad itong ipag-alam at ikunsulta para maagapan. 

Ito marahil ang nasa isip ngayon ni Mary Grace P., 30 taong gulang, matapos siyang biglang atakihin sa puso noong nakaraang Sabado, Apr. 1.

Mabuti na lang at nadala siya agad sa Tuen Mun Hospital ng kanyang employer kaya agad din siyang naoperahan matapos makita ang dahilan ng pagsikip ng kanyang dibdib.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

“Tumawag siya sa amin noong gabi ng  Sabado at sinabi na nasa ospital kasama ang kanyang amo,” ayon sa hipag niya. "Pagka Linggo nasa ICU na siya at inooperahan siya sa puso. May chronic heart disease siya at gall stone (bato sa apdo)."

Pagkatapos maoperahan ni Mary Grace ay nanatiling kritikal ang kanyang kalagayan bagamat ibinalitang nagkamalay na siya nitong Biyernes, Apr 7. Nakausap na rin niya ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng video chat na inayos ng mga taga ospital.

Gayunpaman, nananatili siya sa ICU at nakakabit sa ECMO, na ginagamit para mapadaloy ang dugo sa katawan ng pasyente nang hindi ito dumadaan sa puso at baga. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Makikita din sa isang video na ipinadala sa kanyang mga kaanak na lubha pa rin siyang mahina at may mga hindi makontrol na paggalaw ang kanyang katawan.

Ang sabi ng kanyang employer, umigi na daw ang kalagayan ni Mary Grace kaya unti-unti nang tatanggalin ang mga aparato na nakakabit sa kanyang katawan. Pero hindi ito dahilan para makampante dahil sakaling lumala ulit ang kanyang kundisyon ay ibabalik ang mga makina na tumutulong dugtungan ang kanyang buhay.

Ipinarating na din sa OWWA o Overseas Workers Welfare Administration ng employer at ng agency ang tungkol sa nangyari kay Mary Grace.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sabi naman ni Welfare Officer Dina Daquigan, ang asawa ni Mary Grace sa Pilipinas ay laging binabalitaan ng agency tungkol sa kundisyon ng pasyente.

Ayon naman sa doktor na tumingin kay Mary Grace, isang taon na daw nitong alam na may sakit siya sa puso, pero hindi ipinaalam sa kanyang amo at pati mga kamag-anak, marahil ay sa takot na pauwiin siya at hindi na makapagtrabaho.

Base sa nilathalang impormasyon ng Centre for Health Protection, ang chronic heart disease ay maaring sanhi ng hypertension, hyperlipidemia (high cholesterol), diabetes, sobrang bigat ng timbang, kawalan ng ehersisyo, paninigarilyo o stress. Maari din ito ay dahil sa lahi.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Hindi na ito gumagaling pero maaring hindi lumala kung iiwasan ang mga nagsasanhi nito. 

Ang mga sintomas ng sakit sa puso ay sobrang paninikip ng dibdib, lalo pagkatapos ng mabigat na gawain. Maaring lumipat ang sakit sa braso, balikat, leeg at panga. 

Ang iba pang senyales ay ang pagbilis ng pintig ng puso, pagkahilo, pagpapawis, pagsusuka at panlalambot. Sa mas malalang kaso, mahihirapan nang huminga ng pasyente at maaring mamaga ang binti.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Si Mary Grace ay halos dalawang taon na sa kanyang employer at may iniwang asawa at tatlong maliliit na anak sa Cagayan de Oro.

Nanawagan ng dasal ang kanyang mga kaanak at kaibigan para sa kanyang agarang paggaling.


https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Don't Miss