Hindi muna tinanong sa korte ang Pilipina kung inaamin niya ang paratang |
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ipinaliwanag
ng taga-usig na ang duty lawyer na itininalaga kay J. Sabado sa naunang pagdinig
noong March 28 ay nagmungkahi na tapusin ang kaso sa isang bind-over, kung saan
hindi siya papatawan ng parusa pero mangangako siyang hindi na uulitin ang
ginawa.
Pindutin para sa detalye |
Pero
dahil hindi nagpunta si Sabado sa Duty Lawyer Service upang pirmahan ang mga dokumento,
hindi natuloy ang proseso at hindi nabuo ang impormasyong kailangan ng
taga-usig upang sang-ayunan ito o hindi.
“Kung
wala ka roon, wala silang magagawa,” ani Principal Magistrate Ivy Chui sa wikang
Inggles.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Bibigyan
kita ng huling pagkakataon,” dagdag niya “Gusto mo pa ba ng abogado na
magtatanggol sa iyo?”
Nang
sumagot ng oo si Sabado, inutos ni Magistrate Chui sa DLS na bigyan siya ng
abogado.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
“Magpunta
ka sa 7th floor. Huwag kang male-late,” payo niya kay Sabado.
Si Sabado,
44 na taong gulang at domestic helper, ay kinasuhan ng pagnanakaw matapos
arestuhin siya ng pulis noong March 12 dahil kumuha diumano siya ng dalawang pantalon nang
hindi nagbabayad sa isang tindahan sa 3rd floor ng Worldwide Plaza.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Itinakda
ni Chui ang susunod na pagdinig sa May 24. Itinuloy din niya ang piyansang $500 ni Sabado upang patuloy siyang makalaya pansamantala.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |