Inalok ng libreng abogado ang Pilipina |
Isang Pilipinang nagtatrabaho bilang waitress ang nahaharap sa dalawang kaso sa West Kowloon dahil sa pagmamalupit na dinanas ng isang kuneho habang nasa kanyang pangangalaga.
Itinanggi ni
Aeprille Anne Esplana, 28 taong gulang, ang dalawang paratang na pagmamalupit
sa hayop, na labag sa Cruelty to Animals Ordinance, nang basahin ito sa kanya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Nang idinagdag
niya na hindi niya alam ang gagawin upang ipagtanggol ang sarili, tinanong siya
ni Acting Principal Magistrate Veronica Heung kung may abogado siya.
Nang sumagot
siya ng wala, tinanong ulit siya kung gusto niya ng libreng abogado.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nang sumagot
siya ng oo, inalok siya ni Magistrate Heung ng abogado mula sa Duty Lawyer
Service.
Itinakda ni
Heung ang susunod na pagdinig sa May 23, at pinagpiyansa ng $500.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pinayuhan din
niya si Esplana na magkonsulta agad sa abogado upang mapaghandaan ang kanyang depensa.
Kinasuhan si Esplana ng pagmamalupit sa hayop nang mahuli siya noong Aug. 16, 2022 sa Tai Wo Hau Estate sa Kwai Chung na nagkukupkop ng kuneho sa paraang nagpapahirap dito, o paglabag sa Section 3(1) (g) ng Cruelty to Animals Ordinance.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inakusahan din siya na pinayagang pagmalupitan ang kuneho na kanyang pinangangalaga, o paglabag sa Section 3(1) (a) na nasabing batas.
Hindi dinetalye sa korte kung anong klaseng pagmamalupit ang ginawa niya diumano sa hayop.
Ang parusang
itinakda para dito ay multang aabot sa $200,000 at pagkabilanggo ng aabot sa tatlong taon.
PADALA NA! |
CALL US! |