Masaya at malayang umalis ang Pilipina sa korte ng Tsuen Wan |
Isang Pilipina ang pinawalang sala sa District Court ngayon sa kasong robbery o panloloob sa flat na dati niyang tinitirhan, matapos isa-isahin ng hukom ang mali-maling testimonya ng umano’y biktima ng pagnanakaw, na kapwa niya Pilipino.
Agad inilabas si Maricris Sayco mula sa kulungan ng korte nang tumayo si District Judge Isaac Tam sa kanyang upuan matapos ang kalahating oras na pagdinig sa kaso.
Bago siya nagdesisyon ay itinigil ng hukom ang pagdinig ng 10 minuto upang bigyan ang taga-usig ng pagkakataon na ayusin ang kanyang ebidensiya.
Sa labas, hawak ang kanyang Hong Kong ID, niyakap ni Sayco
ang kanyang barrister na si Marco Tse at nagpasalamat. “Pangatlong buhay ko na ito,” ika niya sa abogado
sa wikang Inggles, “Nagkasakit din kasi ako nang malubha.”
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Inakusahan si Sayco, 46 taong gulang at domestic helper, ng
pagnagnakaw ng dalawang relo, dalawang iPhone, isang power bank at isang laptop
computer na pag-aari ng nag-aakusa, na landlord niya sa inuupahang kuwarto sa
isang gusali sa Sham Shui Po.
Naglilipat-bahay noon ang lalaking landlord, kasama ang mga nagrerenta ng kanyang mga paupahang kuwarto gaya ni Sayco.
Noong Nov. 1, 2021, matapos siyang makalipat ay bumalik si Sayco sa flat upang kunin ang mga naiwan niyang gamit, kasama ang mga dokumentong nasa ilalim
ng kutson niya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa imbestigasyon ng pulis, inamin ni Sayco sa isang video recorded interview na siya ang nahagip sa CCTV na pumasok sa flat, gamit
ang susing hindi pa niya ibinabalik. Maliban dito, wala nang inamin si Sayco, na
hindi tumestigo.
Sa kanyang desisyon, sinabi ni Judge Tam na walang kailangang
patunayan si Sayco dahil ang bigat ng pagpapatunay na nagkasala siya ay nasa
taga-usig.
Sa paglilitis, tumestigo ang landlord, at dito nakahugot ng
pagdududa ang huwes.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Halimbawa, sinabi nito sa kanyang testimonya na kapwa niya
lang Pilipino si Sayco, pero nang tanungin ng abugado ng akusado ay inamin nyang dalawang taon na silang magkaibigan.
Sinabi rin niya noong una na binigyan lang siya ng may-ari ng flat ng limang susi. Pero nang tanungin ng abugado ng nasasakdal ay inamin niyang siyam ang susi na binigay sa kanya.
Sinabi din niya sa korte na nawalan siya ng dalawang iWatch, pero sa kanyang salaysay sa pulis ay sinabi niyang isa lang ang nawala niya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sinabi din niya na nawalan din siya ng Airpod, pero ni hindi ito
nabanggit sa kanyang salaysay o sa kasong isinampa laban kay Sayco.
Sinabi niya na ang nawawala niyang iWatch at iPhone 11 Pro
Max ay nakasilid sa orihinal nilang karton, pero itinanggi ito ng police
photographer na tinawag niya upang tumestigo.
Itinanggi niyang nangutang siya ng $3,500 kay Sayco, pero
nang pakitaan ng WhatsApp message sa pagitan nilang dalawa, umamin din siya.
Ang mga ebidensiya ay nagpapakitang lumipat siya sa flat
noong June 2020, pero sa kanyang testimonya, sinabi niyang lumipat siya noong July 22, 2021.
Dahil ang mga ebidensiya ng landlord ay hindi
katanggap-tanggap, ang natitirang ebidensiyang mapagbabasehan niya kung
nagkasala si Sayco ay ang CCTV at VRI.
Hindi ito sapat, dagdag ni Judge Tam.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |