Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Pamasahe sa Star Ferry, itinaas simula ngayon

03 April 2023

Itinaas ang pasahe sa Star Ferry upang bawasan ang pagkalugi nito

Nagtaas ngayon ang pamasahe sa dalawang ruta ng Star Ferry, sa Central-Tsim Sha Tsui at sa Central-Wanchai, ayon sa batas na inaprobahan noong nakaraang taon upang mabawasan ang pagkalugi nito.

Ang libreng sakay ng mga senior na ibinibigay sa mga may edad na 65 pataas, ay itinigil na rin. Ang singil ngayon sa kanila, na tinatawag nilang concessionary fare, ay $2.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang pinakamalaking itinaas, sa 56%, ay ang pasahe para sa upper deck ng rutang Central-Tsim Sha Tsui na ngayon at HK$5 mula Lunes hanggang Biyernes, mula sa HK$3.20. Tuwing Sabado at Linggo, ang pasahe ay ginawang HK$6.50, mula sa HK$4.20.

Sa lower deck, ang pasahe ay ginawang $4, mula sa $2.60 mula Lunes hanggang Biyernes, at $5.6 mula $3.6 tuwing Sabado at Linggo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang pasahe ng mga bata ay itinaas din sa $2.90 para sa upper deck at $2.80 para sa lower deck mula Lunes hanggang Biyernes, at $3.9 sa upper deck at $3.7 sa lower deck tuwing Sabado at Linggo.

Para sa rutang Central-Wanchai, ang bagong pasahe ay $5 sa Lunes hanggang Biyernes at $5.5 tuwing Sabado at Linggo. Ang pasahe ara sa bata ay $2.90 tuwing Lunes hanggang Biyernes, at $3.90 tuwing Sabado at Linggo.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang buwanang tiket sa parehong ruta ay magkakahalaga ng $190, at ang pang-turistang tiket para sa apat na araw ay $50. Ang dagdag singil para da mga may dalang bisikleta ay $25.

Ang Star Ferry, na nagdiwang ng ika-100 anibersaryo noong 1998, ay itinuturing na isa sa tourist attraction ng Hong Kong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang serbisyo nito sa dalawang ruta ay gumagamit ng siyam na lantsa.

Itinaas ang pasahe dito matapos bumaba ang bilang ng mga sumasakay dahil sa paglawak ng serbisyo ng MTR na nagbukas ng ilang bagong ruta at istasyon, at sa mga protesta at kaguluhan noong 2019.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!


Don't Miss