Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

OFW sa HK, tumangay daw ng milyon mula sa ‘paluwagan’ at investment scam

22 April 2023

 

Si Mera Jane Vicio, hawak-hawak ang perang nalikom daw niya mula sa scam

Kilala ba ninyo ang Pilipina na ito na itinuturo ng ilang mga OFW (overseas Filipino workers) sa Hong Kong at iba pang lugar na nagtatago diumano ngayon matapos kunin ang perang tinataya nilang aabot ng ilang milyong piso para sa paluwagan at investment, pero hindi na naibalik sa kanila?

Nakatakdang magpunta sa Konsulado at sa pulis ngayong araw ng Linggo ang ilan sa mga nagpakilalang biktima diumano ni Mera Jane S. Vicio, taga Kidapawan, Cotabato para magsampa ng reklamo dahil nakatakda na daw itong umuwi, marahil ay para takasan ang mga naghahabol sa kanya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Ilang mga Pilipina na nagtatrabaho sa Hong Kong ang nag post sa Facebook sa ginawang panloloko diumano sa kanila ni Vicio.

Isa sa kanila si Barbara Temblor, na nag post sa Facebook page na HK Moms nito lang April 18, at sinabi na pinaghahanap niya at kanyang mga kasama si Vicio dahil ini scam daw sila nito, at ngayon ay nagtatago na.

Pindutin para sa detalye

Kung sino man daw ang nakakakilala ay Vicio ay maaring tulungan silang matunton ito. Dagdag niya, taga Quarry Bay si Vicio.

Ayon naman kay Gelnsheryl Mae del Monte: “…hindi lang thousand kundi milyon-milyon ang na scam niya di lang saakin kundi sa kapwa (niya) OFW sa Hong Kong, pati sa lugar namin, Kidapawan City. Halos naubos na niya ang pera ng mga tao, ngayon di na nagparamdam.”

Pindutin para sa detalye

Dagdag niya, lumabas na si Vicio at ibalik ang pera nila dahil yung mga ginawa niyang agent ang hinahabol ngayon ng mga tao dahil sa nangyari.

Ang post ni Temblor sa isang Facebook page, na ngayon ay burado na

Ang isa pang nag post din sa iba-ibang account sa Facebook si Fanny Parame, na nakiusap kay Senador Raffy Tulfo na tulungan silang tugisin si Vicio. Ang partner daw niyang French ay na scam din ng Php100,000 ng MJ Investment ni Vicio.

Dagdag ni Parame, noong una ay ayaw daw ng partner niya na mag “invest” pero nakumbinsi ng isang nag-imbita sa kanila na ang sabi ay kumikita na siya mula dito. Mismong ang kapatid daw niya ay nakapag payout na din, kaya nagdesisyon silang pasukin na yung inaalok na investment ng ahente ni Vicio.

Nagpasok daw sila ng pera noong Feb. 28, 2023 at dapat sana ay first pay out nila nitong April 5, pero wala nang naibigay sa kanila, at nagkakagulo na ang buong grupo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

May isa pang nag post na ang pangalan ay Felix Lee, at sa wikang Bisaya ay nakiusap kay Vicio na isauli na ang pera ng kanyang pamilya, na umabot na sa Php1.2 million ang kabuuan.

Dagdag ni Lee, si Vicio daw ay taga Purok Durian, Linangkob, Kidapawan City.

Pero paano ba nakumbinsi ni Vicio ang mga kapwa niya OFW at kababayan na ipagkatiwala ang malaking halaga sa kanya, na ang iba ay inutang pa nila?

Mas malaki pa ang ipinasok na pera ng mga nagpaluwagan kaysa natanggap nila 

Ayon sa isang nagpakilala ring biktima na si Jhey Ca, ang unang inalok ni Vicio noong Nov. 5, 2018 (anim na buwan mula siya dumating sa HK) ay ang paluwagan, at dito siya pumasok.

Walo daw silang sinali sa isang grupo, kung saan bawat miyembro ay maghuhulog ng Php13,250 bawat buwan, at ang pay-out nila ay Php100,000. Ang una at pangalawa sa listahan ay si Vicio, kaya sa loob ng dalawang buwan ay naka kubra na siya agad ng Php200,000.

Dahil si Jhey ay nasa bandang gitna ay nakakubra na rin siya ng Php100,000, kaya siya ginanahan na magpasok muli ng pera, kasama ang isang kaibigan. Hindi niya alintana na ang kabuuang halaga ng ipinasok niya ay Php106,000 kaya sa kanya pa lang ay ang laki agad ng tinubo ni Vicio.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Payag naman daw silang magkakasama doon, na bigyan si Vicio ng tig Php6,000 dahil siya naman ang humahawak ng pera nila. Pero ang hindi niya naisip ay kumita agad si Vicio ng Php 2,400 sa kanila palang apat sa grupo, at imbes lumaki ang perang ipinasok nila sa paluwagan ay nabawasan pa ito.

Lalo pa syang nalugi dahil may parte sa perang ipinasok niya ang galing sa pautangan, na naniningil ng hanggang 50% na interes bawat taon.

Ang mas masaklap, ang pang-walo at huling kukubra dapat sa grupo nila ay hindi na nabigyan ng pera dahil nagtago na daw si Vicio.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero dahil sa tuwa ni Jhey nang makapag “take-out” siya ay ipinasok niyang muli ang Php100,000 sa isang mas maambisyon na alok ni Vicio, kung saan ang halaga ng makukubra ay Php500,000, pero Php55,000 ang kada hulog nila, at aabot naman sa 10 buwan bago mabayaran silang lahat.

Kung nagkwenta lang sila sana nang maayos imbes naniwala sa mga pangako ni Vicio ay Php550,00 ang dapat nilang makuha sa loob ng 10 buwang paghuhulog. Ibig sabihin, may kabig muli si Vicio na Php50,000 sa bawa’t isa sa kanila na pumasok sa kanyang paluwagan.

Dahil sa dami ng mga nahikayat ni Vicio na pasukin ang kanyang paluwagan ay nag-isip daw ito ng bagong stratehiya, ang investment. Mas malaki na ang ipinangako niyang balik na pera dahil pumasok daw siya sa pagbebenta ng bigas, lechon, wedding package, at nagtayo din ng water refilling station.

Muli, marami ang nahikayat, at isa sa kanila ang isang seaman na nagpasok ng Php1 million noong November 2022, dahil ang ipinangakong kapalit nito pagkatapos ng limang buwan ay Php3.2 million. 

May ipinasa itong apat na resibo ng paglilipat ng pera sa BDO Bank para kay Vicio sa halagang Php250,000 bawat isa.

Pero ayon kay Jhey, katulad ng marami na nabola ni Vicio, nawalang parang bula ang ipinasok ng seaman, at hindi na rin niya alam kung paano hahabulin ito ngayon. 

(Bukas ang The SUN sa anumang pahayag tungkol dito mula kay Mera Jane Vicio, na hindi na makontak sa telepono, at naka lock ang profile sa Facebook –ed).

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss