Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Nahulihan ng pampatulog, pinagmulta ng $2k

04 April 2023

 

Hindi pinansin ng korte ang sabi ng akusado na binili lang niya ang gamot para makatulog

Ang paggamot sa sarili ay mapanganib, hindi lang sa kalusugan kundi sa bulsa na rin.

Ito ang natutunan ng Pilipinong si R. Bularin, 39 taong gulang, nang patawan siya ng multang $2,000 sa West Kowloon Courts kanina dahil nakuhaan siya ng 13 tabletang pampatulog na may sangkap na zopiclone, na nakalista bilang Part 1 na lason sa Poisons List ng Hong Kong.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Isinantabi ni Acting Principal Magistrate Veronica Heung ang katwiran ni Bularin na nabili lang nya ang gamot sa isang botika dahil hirap siyang matulog sa gabi.

Hindi rin pinansin ang sinabi niya na may papel siyang maipapakita na magpapatunay sa kanyang sleeping disorder.

Pindutin para sa detalye

Ang dahilan ay ang pagkakaroon lang ng ganitong lason ay isa nang pagkakasala at paglabag sa Pharmacy and Poisons Ordinance.

Nang basahin sa kanya ang kasong pagkakaroon ng Part I Poison, umamin na lang si Bularin. Humingi na rin siya ng paumanhin dahil hindi niya alam na bawal ang ginawa niya.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Inaresto siya ng mga pulis noong Nov. 29 sa Tung Chung Shopping Center sa Tung Chung, New Territories, matapos siyang sitahin.

Nang kapkapan siya ay nakita sa bulsa ng kanyang pantalon ang 13 tableta ng pinagbabawal na gamot. 

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Kinumpirma ng Government Laboratory na ang mga tableta ay may sangkap na zopiclone.

Ayon sa National Institute of Health ng Canada, mapanganib na gamot ang zopiclone at hindi dapat mapasakamay ng mga tao nang walang reseta ng doktor, dahil ito ay nakaka-adik.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang mga nasanay nang uminom nito bilang pampatulog ay nagkakaroon ng withdrawal symptom gaya ng pagkabalisa, panginginig, paglakas ng tibok ng puso at iba pa, dagdag nito. Bumabalik din ang problema sa pagtulog.

Sa mga doktor, ang payo nito ay huwag magreseta ng zopiclone nang pangmatagalan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Don't Miss