76% ng mga biktima ng ganitong modus ay edad 60 pataas |
Pinag-iingat ng mga pulis ang mga senior citizen at pati na rin ang mga nag-aalaga sa kanila para hindi sila mabiktima ng “Guess Who” o “Hulaan Mo Kung Sino Ako” scam.
Ito ay matapos maitala ang pagtaas ng halos tatlong beses ng mga ganitong kaso nitong nakaraang buwan lamang. Mula sa 84 na naitala noong Enero ay umakyat bigla sa 233 ang bilang ng mga ganitong kaso.
Sabi pa ng mga pulis, ito ang pinakamalaganap na panloloko sa telepono na isinasagawa ngayon ng mga kriminal sa Hong Kong.
Nitong unang tatlong buwan ng taon, 72 porsyento ng 597 na kaso ng telephone scam na naitala ay isinagawa sa ganitong pamamaraan. At 76 porsyento ng mga biktima sa ganitong modus ay edad 60 pataas.
Kabilang sa pinahuling biktima ang isang 82 taong gulang na lalaki na nalimas ang ipon niyang $1.2 million.
Nakuhanan din ng $100,00 ang isang 81 taong gulang na babae matapos siyang tawagan ng isang scammer kamakailan at nagpanggap na anak niya. Sabi ng lalaki ay inaresto siya at kailangan niya ng pampiyansa sa halagang $100,000.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Nakipagkita ang matandang babae sa scammer at inabot dito ang pera. Mabuti na lang at pagkatapos nito ay naisipan niyang tawagan ang anak at nalaman na naloko siya.
Kagabi ay muli na namang sinubok ng manloloko na hingan ng $50,000 ang matanda gamit ang parehong dahilan, pero kulungan ang kinabagsakan niya.
Sabi ng acting senior superintended ng pulis na si Rick Chan, napakadali sa mga sindikato ang manloko sa ganitong paraan at malamang na dumami pa ang magtangkang magkapera sa pamamagitan nito, kaya dapat na dobleng ingat ang mga may edad
|
Hindi
naman daw nagkulang ang pulis sa pagtutok sa mga scammer dahil mula lang noong
Setyembre ay napakiusapan nila ang mga telecom operator na i block ang mahigit
100,000 na nakapagdududang mga tawag sa telepono, at 2,200 na hyperlink sa mga kahina-hinalang
website.
May 600 na mga local na numero ang sinuspindi din.
Sa kabila nito ay patuloy pa ring may mga nabibiktima, kabilang ang isang 68 taong gulang na lalaki na nawalan ng $2.1 million matapos ma hack naman ang kanyang telepono.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang biktimang si Hau, katulad ng maraming iba pang mga tao sa Hong Kong, ay nakatanggap ng tawag noong Agosto mula sa isang nagpakilalang opisyal ng Public Security Bureau ng China.
Sabi
ng tumawag ay may kinalaman si Hau sa isang money laundering na kaso sa
Guangzhou, at tinanong kung nagpunta siya kamakailan sa distrito ng Yuexiu.
Dahil hindi pa naman siya nakakarating man lang sa mainland ay nagpakatanggi si Hau. Pero dahil pilit siyang hiningan ng pruweba ay nagpadala siya ng kopya ng kanyang HKID card at mga kuha ng utos na magpa PCR test siya.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pagkatapos nito ay pinuntahan siya ng isang batang babae na nagpanggap na “commissioner” at kasabwat ng scammer at inalok si Hau na lalagyan niya ng “mobile security app” ang kanyang telepono para sa kanyang proteksyon.
Ang nilagay pala nito ay tracker kaya napasukan ng sindikato ang kanyang telepono at nakapag withdraw ng may $2.1 million mula sa kanyang account.
Sabi ni Hau, sana pala daw ay pinutol na lang niya agad ang linya nang tawagan siya ng scammer dahil alam naman niyang hindi totoo ang paratang sa kanya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dagdag ng isa pang pulis, dapat ay putulin ng biktima agad ang tawag, at tapos ay ipagtanong kung totoo bang may mga opisyal na tumatawag na lang bigla at nag-aakusa sa sinumang sasagot ng isang krimen na hindi naman nila ginawa.
Ang isa pang naging biktima kamakailan ay isang 55 taong gulang na babaeng retirado na nawalan naman ng halos $7 million sa crypto investment scam, na naging dahilan din ng pagkawala ng pera ng ilang Pilipina kamakailan, na karamihan ay domestic worker.
May nakipagkaibigan sa kanya sa Instagram noong Enero at tinuro sa kanya ang isang website para diumano sa crypto currency investment.
Sa pagbubuyo ng hindi niya pa nakitang tao ay naglipat siya ng $6.96 million sa 19 na mga bank account nang maka 24 na beses, na ang buong akala niya ay napupunta lahat ito sa kanyang “investment.”
Nalaman niyang natanso siyang nang subukan niyang humiram ng pera sa isang anak, na agad na nagsabing scam ang pinasukan niya. Inireport niya ito sa mga pulis nito lang nakaraang linggo.
PADALA NA! |
CALL US! |