|
Tampok sa concert ang mga beterano at baguhang superstar sa Hong Kong, |
Isang
pop concert ang mapapanood nang libre sa April 23 (Linggo) sa Hong Kong
Cultural Centre Piazza -- ang Outdoor Music x Film Marathon.
Para
makasiguro ng upuan, kailangang magpa-rehistro simula sa 10am sa Huwebes (April
13) sa website ng Hong Kong Pop Culture Festival 2023, na proyekto ng Leisure
and Cultural Services Department. Ito ang kanilang website: www.pcf.gov.hk/en/outdoormusicxfilmmarathon.html
.
Ang
programa, na tatagal mula 2:30 hanggang 8pm, ay hinati sa dalawa.
Ang
unang bahagi na pinamagatang "Outdoor Music Marathon" ay
magtatampok ng nga beterano at baguhang Cantopop singer gaya nina Danny Summer,
Elisa Chan, Anthony Lun, Phil Lam, Yoyo Sham, Wilson Ng at Cath Wong. Sasabayan
sila ng mga local na bandang Legacy Band at Patrick Lui Big Band.
Ang
ikalawang yugto ay ang "Film Songs Singing Along" na magpapalabas sa
malaking screen ng mga footage ng mga kantang inawit ng mga yumao nang Cantopop
superstar na gaya nina Leslie Cheung at Anita Mui.
Ang
mga singers na sina Judas Law, RUMBU, Monkey Sit at Yanny Leung ay mangunguna
sa sing-along upang buhayin ang alaala at magbigay-pugay sa pop culture ng Hong
Kong.
Bago ang
"Outdoor Music x Film Marathon", may breakdance parade at pop legends exhibition na
tinawag na "The Avenue of Pop Dreams" (mula 2pm hanggang 2.30pm), na
alay ng the Avenue of Stars Management Limited sa Avenue of Stars.
Sa paradang
ito, ang Avenue of Stars ay hahatiin sa apat na zone, na magpapakita ng exhibition
display board ng mga kasabihan at lyrics ng kanta mula sa apat na alamat ng Hong
Kong – sina Bruce Lee, Anita Mui, Leslie Cheung at Danny Chan.