Ang bagong eroplanong ipinalit sa sinira ng Customs sa Manila |
Napalitan na ang laruang eroplano na pasalubong sana ni Rachelle Anne Ramos pero winasak ng mga taga Bureau of Customs nang dumating siya noong March 25 sa Manila airport dahil sa suspetsang may laman itong droga.
Ang kapalit na eroplano, na isang souvenir item mula sa Cathay
Pacific na nagkakahalaga ng HK$700 sa kanilang website, ay ibinigay kay Ramos
ng staff ng airline nang dumating siya mula sa pagbabakasyon sa Singapore
noong April 24.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
“After nag-viral po ang video eh may nagreach out na staff ng Cathay
Pacific sa akin,” ika niya sa isang Messenger chat sa The SUN.
Kasama ng laruang eroplano ay isang passport holder, na souvenir
item din ng Cathay, at isang sulat mula sa manager ng airline sa Pilipinas.
Pindutin para sa detalye |
Noong una ay ipapa-courier sana ang mga regalo sa bahay nila sa
Ilocos Sur, pero sinabi ni Ramos na paalis siya papuntang Singapore. Kaya nang bumalik
siya noong gabi ng April 24, nakaabang na ang staff ng Cathay sa airport at
ibinigay sa kanya ito nang personal.
Sa kanyang Facebook post noong April 25, sinabi niya: “Thanks to Cathay Pacific Airlines Philippines for this token. I appreciated it a lot. Thanks to Ma’am Anna who reach out for me after the incident happened. God bless you all po! And nice meeting you all in person po.”
Pindutin para sa detalye |
Babalik sa May 20 sa Hong Kong si Ramos, na isang nurse sa Pilipinas at
ngayon ay nagtatrabaho bilang domestic helper sa Ma On Shan, sakay ng Philippine Airlines na siya ring
sinakyan niya nang umuwi siya sa Pilipinas.
Sinabi niya na wala siyang sama ng loob sa mga taga-Customs sa Ninoy
Aquino International Airport na sumira sa pasalubong niya.
Rachelle Anne Ramos |
“Kasi I’m the one who told them to destroy the plane to check what
is inside po, kasi sabi nila may nakikita na image sa loob,” dagdag niya.
“About sa buong Customs, siguro ang masasabi ko is dapat more
improvement pa sa service para hindi na humantong sa basagan ng gamit. Or maybe
use a proper tool to open the plane,” ika niya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
At para makaiwas ang mga OFW sa dinanas niya, ito ang kanyang
payo: “Siguro, if there is something na kakaiba na display or toys better to
send it by cargo na lang.”
Nag viral kamakailan ang post ni Ramos kung saan ipinakita niya kung paano winasak ng mga taga-Customs ang laruang eroplano, at nakita ang “parang aspalto” sa loob.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sa kanyang kuwento, dalawang beses pinadaan sa X-ray machine at
dalawang beses ding pinaamoy sa sniffer dogs ang laruan, pero walang nakita.
Kaya lang, ayaw din siyang paalisin kaya inalok niyang wasakin na lang nila ito
para makasiguro sila.
Bandang huli ay hindi na din daw itinuloy ng ahente ang pagwasak
sa buong eroplano dahil ayaw daw nitong mabasag ang semento kung saan ipinatong
ang laruan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Humingi na sa kanya ng paumanhin ang spokesman ng Customs at
nangakong susundin ang kanyang mungkahi.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |