Babalik ang Pilipina sa korte sa May 29 para sentensiyahan |
Isang Pilipina ang nakatakdang sentensiyahan matapos mapatunayang nakipagsabwatan sa dalawang iba pa upang palabasin na nagtrabaho siya sa kanila bilang domestic helper.
Itinakda sa May 29 ni Cheng Lim-chi, Acting Principal
Magistrate sa Shatin Courts, ang pagpataw ng sentensiya kay Jingle Bautista, 47 taong gulang. Ibinalik sya
sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Nauna rito, umamin si Bautista sa tatlong kaso ng paglabag
sa Immigration Ordinance at Crimes Ordinance. Kanina sana siya babasahan ng
sentensiya, pero hindi natuloy
Ang unang sabwatan sa pagitan ni Bautista at nina Adelia
T. Wong at Warwick Wong Wai-ki ay nangyari noong Oct. 25, 2018 hanggang Dec. 6, 2020.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa sakdal, nagsinungaling ang tatlo sa isang Immigration officer nang sabihin nila na magtatrabaho si Bautista kay Warwick
Wong bilang domestic helper, at pumirma pa ng kontrata para dito.
Batay dito ay nabigyan ng visa si Bautista bilang domestic
helper kahit hindi dapat.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Naulit ang sabwatan noong Dec. 3, 2020 hanggang Dec.
30, 2021, matapos mag-renew ng visa si Bautista para sa ikalawa niyang kontrata
bilang pekeng katulong ni Wong.
Hindi niya kasama sa pagdinig ng kaso ang dalawang Wong.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Maliban sa dalawang kaso ng kuntsabahan, kinasuhan din si Bautista
ng pagbibigay ng maling impormasyon sa isang registration officer, nang kumuha
siya ng HKID habang nagbabalatkayo bilang domestic helper.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |