Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Mahistrado, nabahala sa tagal nang pagkakakulong ng Pilipina

28 April 2023

Nabahala ang mahistrado sa tagal ng pagkakakulong ng Pilipina

Nagpahiwatig ng pagkabahala ang isang mahistrado sa tagal nang pagkakakulong ng isang Pilipina na inaresto dahil peke pala ang kontratang ipinasok niya sa Immigration.

Napansin kasi ni Acting Principal Magistrate Cheng Lim-chi ng Shatin na halos napagsilbihan na ni Maricel Arante, 33, ang dapat na sentensya sa kasong isinampa sa kanya sa tagal ng kanyang pagkakakulong.

Dahil dito, binigyan na lang ni  Cheng ang tagausig ng hanggang  May 25 para patunayan ang kaso laban kay Arante para masentensyahan na ito. 

Dahil hindi humiling ng piyansa ang Pilipina ay ibinalik siya sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig ng kanyang kaso.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Pindutin para sa detalye

Nauna rito, humiling ng dagdag na panahon ang taga-usig para makasuhan ang employment agency na siyang naging dahilan ng paglabag ni Arante sa Immigration Ordinance.

Pero ayon kay Cheng, nakakabahala na ang panahon na ginugol ng gobyerno para patunayan ang kaso laban sa nasasakdal.

“Ang karaniwang parusa sa kasong ito ay anim na buwan,” ika ni Magistrate Cheng sa wikang Inggles. “Kung aamin siya, kailangang bawasan ang kanyang sentensiya ng 1/3, kaya magiging apat na buwan ang kanyang parusa.”

Pindutin para sa detalye
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Baka sa huli, aniya, mas mahaba pa ang inilagi niya sa kulungan kesa sa kanyang magiging parusa.

Kinasuhan si Arante ng pagsisinungaling sa isang Immigration officer noong May 20, 2022 nang siya ay mag apply na ma-extend ang kanyang visa.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Sinabi niya sa application form na siya ay nagtatrabaho bilang domestic helper ng isang Chan Mei Jen, pero lumabas na hindi pala ito totoo. 

Ganitong ganito rin ang nangyari sa kaso ni Marsha Love Anabeza, na napilitang manatili sa Hong Kong ng tatlong taon ng walang trabaho habang pinag-aaralan ng Immigration ang kanyang kaso.

Sa utos ng korte ay inaresto na rin bandang huli ang ahente na nagdala sa kanya sa Hong Kong at nagbigay ng pekeng employer. Ikinulong ito ng anim na buwan matapos umamin sa paratang.

Si Anabeza, na mas nauna pang umamin sa sakdal, ay pinauwi matapos masentensyahan. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE
https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS

Don't Miss