Ang gusali sa Wanchai kung saan nahuli ang akusado |
Ang huli sa tatlong kasong droga na nagmula sa isang raid ng pulisya sa isang hotel sa Wanchai ay iniakyat ngayon ng Eastern Magistracy sa District Court dahil sa dami ng ipinagbabawal na gamot na nasamsam sa akusado.
Pinayuhan ni Principal Magistrate Ivy Chui ang Pilipinang si
Maria Eldha Rose Cabello, 33 taong gulang, na kumuha ng abogado sa Legal Aid
upang maayos siyang maipagtanggol, ngayong hindi na siya pwede sa libreng abogado
mula sa Duty Lawyers Service ng mga magistrate court.
At dahil hindi hiniling ni Cabello na makapagpiyansa, ibinalik
muli siya sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig, na gagawin sa District
Court sa May 11.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Naunang sinampahan ng apat na kaso si Cabello, pero tatlo na
lang ang ipinasa sa District Court.
Ayon sa nabagong asunto, nahuli siya noong Sept. 2, 2022, sa
third floor ng Hong Kong Bldg., sa Lockhart Road, Wanchai, habang nagbebenta ng
2.56 gramo ng tuyong dahon ng cannabis o marijuana.
Kinasuhan siyang muli ng pangangalakal ng bawal na gamot nang samahan siya ng mga pulis sa tinutuluyan niya, ang Room 9 ng Ming Court Hotel na nasa ikalawang palapag ng naturang gusali, at makita doon ang mas maraming marijuana at iba pang droga.
Pindutin para sa detalye |
Naantala ang pagdinig ng kaso dahil sa dami ng drogang nakita
sa silid, na kailangang suriin ng Government Laboratory.
Ito ang nasamsam sa kanya: 143.22 gramo ng pinatuyong marijuana, 105 gramo ng dagta ng marijuana, 1,623.5 gramo ng solidong may lamang 4.38 gramo ng tetrahydrocannabinol, 2.61 gramo ng likidong naglalaman ng 0.44 gramo ng tetrahydrocannabinol, 4.33 gramo ng solido na may lamang 2.72 gramo ng 3,4-raethylenedioxymethamphetamine, 55 tableta at 7 durog na tableta na naglalaman ng 5.22 gramo ng 3,4-methylenedioxymethamphetamine, 0.76 gramo ng solidong may lamang 0.54 gramo ng coccaine, 20 piraso ng papel na nagtataglay ng katiting na lysergide at 104.6 gramo ng solid na may lamang 0.21 gramo ng psilocia.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Maliban sa kasong droga, kinasuhan din si Cabello ng pag-overstay, o ang pananatili sa Hong Kong kahit paso na ang visa, na isang paglabag sa kondisyon ng kanyang pagtira dito.
Dumating siya sa Hong Kong bilang domestic helper, pero nang
ma-terminate siya noong June 16, 2022 at dapat umalis na pagkalipas ng 14 araw,
ay nanatili siya dito hanggang mahuli noong Sept. 22.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang kasong droga ng dalawa niyang nakasamang nahuli sa
Wanchai – sina Sam Burcher, 23 taong gulang at estudyanteng Briton, at Teodora
Quijano, 33 taong gulang at dati ring domestic helper – ay nauna nang nadesisyunan.
Si Burcher, 23 taong gulang at estudyante, ay pinagmulta ng
$5,000 matapos umamin sa sakdal na pagkakaroon (o possession) ng 2.56 gramo ng
marijuana nang arestuhin ng pulis sa harap ng Hong Kong Bldg. sa Wanchai.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Bumalik sya sa korte upang umamin noong March 23, gaya ng
pangako niya nang siya ay maglagak ng $50,000 kapalit ng pagpayag ng korte na
ituloy muna niya ang kanyang pag-aaral sa UK.
Iniurong naman ng taga-usig ang kasong drug trafficking laban kay Quijano at pinayagan siyang magpiyansa ng $5,000 para sa kanyang kasong overstay. Nakatakda siyang humarap muli sa korte sa May 3.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |