Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Kainuman ng Pilipinong nabaril habang inaaresto, kinasuhan din

19 April 2023

 

Binasahan na ng kaso ang ikalawang akusado

Humarap sa Eastern Court kanina ang ikalawang Pilipinong sangkot sa pananakit ng pulis na rumesponde sa reklamong pag-iingay ng mga nag-iinuman sa isang flat sa Peng Chau, kung saan ang naunang akusado ay nabaril.

Binasahan si Cione Chris Sacdalan ng sakdal na pananakit sa isang pulis at paghadlang sa paggawa nito ng tungkulin noong gabi ng Jan. 24 sa isang 2nd floor na silid sa Wing On St sa Peng Chau.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Pinagsama ng taga-usig ang kaso ni Sacdalan at ang kasong pananakit sa dalawang pulis na isinampa laban kay Oliver Arimas, na nabaril at naospital matapos diumano niyang sakalin at itulak ang isa sa mga pulis na umaaresto sa kanya.

Sa pagdinig kanina, pinalaya si Sacdalan, 33 taong gulang, sa piyansang $2,000.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero si Arimas, isang negosyanteng 43 taong gulang, ay ibinalik sa kulungan nang hindi na umulit sa paghingi na payagang mag-piyansa.

Noong March 29 tinanggihan ng korte ang alok niyang $5,000 na piyansa upang mas maalagaan daw niya ang sugat niya at mabantayan ang tatlo niyang anak habang ang kanyang asawa ay nagtatrabaho sa isang beauty parlor sa Central.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Nauna nang sinabi ng taga-usig na kakasuhan ang isa pang Pilipino na kasama ni Arimas na nag-iinuman noong gabi ng insidente, at inaresto rin ngunit pinayagang magpiyansa ng mga pulis.

Pinayuhan sila ni Principal Magistrate Ivy Chui na kumunsulta sa pribadong abogado dahil malapit nang kunin ang kanilang pag-amin o pag-tanggi sa sakdal.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Itinakda niya ang susunod na pagdinig sa May 31.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss