Malaking tulong ang iRehistro para mabawasan ang pilahan kapag malapit na ang eleksyon |
Hindi ka pa ba nakapagparehistro bilang botante sa Hong Kong, o nailipat ang iyong rehistro dito? Iwasan ang pagpila sa Konsulado para lang makakuha ng overseas voter form 1 (OVF1), at pagpila muli para maisumite ito matapos kumpletuhin. May iRehistro ka na!
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ayon sa isang pahayag na ipinalabas ng Konsulado
kamakailan, binuksan na ng Commission on Elections ang iRehistro platform para
sa mga botante na nasa labas ng bansa.
Pindutin para sa detalye |
Ang isang gustong magparehistro ay maaring i click ang
link na ito para ma download ang OVF1: https://irehistro.comelec.gov.ph/irehistro/ovf1?fbclid=IwAR0dajbr66HYWxjPbFAv8SyCy8qnL0H0T6kKtjvXi0SM0ul7IIwOHGNBjT8
Punan lang ang mga hinihinging impormasyon, at
pagkatapos ay i-save ang form at i-print ito sa isang A4 size na papel. Dalhin
ang printed form na ito at dalhin sa Konsulado, kasama ang kopya ng pahina ng
iyong passport na may litrato at pangalan mo para doon ka kunan ng biometrics,
o fingerprints at litrato.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Paalala ng Comelec: Ang iRehistro ay hindi online
system ng pagpaparehistro dahil hindi kukunin ng server dito ang iyong mga
personal na datos at itatago.
Ito ay ginagamit lamang upang ang isang botante ay
makakuha ng form, at mapunan ang mga hinihinging impormasyon. Kailangang ang
botante mismo ang mag save ng nakalagak na datos dito, at hindi ito pumapasok
sa server ng Comelec.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Kapag hindi na save ng botante ang kinumpleto niyang
form at hindi na print ay kailangan niyang kumpletuhin ito ulit, i-save at
i-print bago dalhin sa Konsulado.
Layon ng bagong sistema na ito na maiwasan ang
mahabang pilahan ng mga nagpaparehistro, lalo na kapag malapit na ang botohan.
Tumatagal din kasi ang marami sa pagpuno lang ng registration form, pag sumite
nito, bago sila makunan ng biometrics.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Gayun pa man, pinapayuhan muli ng Konsulado na magparehistro na habang maaga pa ang mga gustong bumoto sa susunod na eleksyon, na nakatakda sa Mayo 2025.
Inumpisahan ang pagrerehistro para sa overseas voting noong Dec. 9, 2022 at isasagawa ito hanggang Sept. 3, 2024.
PADALA NA! |
CALL US! |