Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Indo DH, kasama sa 4 na nahuling nagpagamit ng SIM cards sa scammers

16 April 2023

 Ng The SUN

May 7,300 na SIM card na naipagamit ng mga suspek sa scammers

Isang 35 taong gulang na Indonesian domestic helper ang nahuli kasama ng tatlong lalaking Intsik dahil diumano sa paggamit ng pekeng HK ID card para mairehistro ang mahigit 7,300 na SIM cards na ibinenta nila sa mga scammer sa telepono.

Pero ayon sa mga pulis, ang Indonesian ay binayaran lang ng tatlong lalaki na walang trabaho at kinilalang  sina Wong, 28, Poon, 26, at Fung, 24 – para magbukas ng mga pekeng account sa social media.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang isa sa mga lalaki ay ginamit ang sariling HKID at pinagpapalitan lang ang mga numero nito para makapagrehistro ng SIM ng maraming beses.

Nahuli silang tatlo sa isinagawang raid sa mga gusali sa Cheung Sha Wan at Sau Mau Ping, matapos makatanggap ng tip ang mga pulis na may gumagamit sa kanila ng pekeng HKID card para mag rehistro ng SIM card.

Pindutin para sa detalye

Kumikita daw ang grupo ng $10 hanggang $20 sa bawat SIM na pinapagamit nila sa mga scammer.

May tatlo nang online shopping scam sa Yuen Long, Chai Wan at Cheung Sha Wan ang pinaghihinalaang naisagawa sa tulong ng mga suspek, at nagdulot ng pagkawala ng $16,396. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Nang mahuli ay nakitaan ang tatlo ng 65,000 pa na mga SIM card, kasama ang 95 na modem pools, 29 na computer, pitong telepono, at isang router.

Sabi ng pulis, ang mga modem pools ay nilagyan nila ng maraming SIM card para makatawag nang minsanan sa libo-libong mga numero.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Gamit ito at mga computer ay nakakuha din sila ng one-time password para makagawa ng account ang mga scammer sa WhatApp, Facebook at Instagram.

Nagsimula daw mag-ipon ng SIM card ang grupo simula pa noong Marso ng nakaraang taon dahil sa inaasahan nilang pagpapatupad ng batas para sa pagpaparehistro ng mga ito.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Simula noong katapusan ng Pebrero ay hindi na pinayagan ng gobyerno na magamit pa ang mga SIM card na hindi rehistrado base sa HK ID card ng may-ari. Layon nito na mabawasan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tao na nabibiktima ng mga iba-ibang uri ng scam.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Patuloy na nag-iimbestiga ang pulis sa kung paano nakuha ng mga suspek ang libo-libo nilang mga SIM card. Malamang daw na may iba pang tao na sangkot, at maaaresto dahil dito.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss