Ng The SUN
A scammer called 'Teacher Austin' scolds a Filipina victim for not coughing up more money |
May ilang mga Pilipina na karamihan ay mga domestic helper, ang umamin na nabiktima din sila sa phone chat ng mga di kilalang tao na sa umpisa ay nagpasagot lang sa isang survey kapalit ng pabuya, pero pagkatapos ay agad silang hinila sa isang patibong na kunyari ay crypto currency investment.
Ganito rin ang nangyari sa ibinalita dito sa The SUN noong isang araw, kung saan ang isang Pilipinang residente ay nakuhanan ng halos $700,000 ng mga scammer sa loob lang ng isang araw.
Dalawa sa naglahad ng kanilang kuwento ay parehong domestic helper. Ang isa ay nawalan ng $3,000 samantalang ang pangalawa naman ay $5,000 ang tinangay ng sindikato.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Pera itong pinaghirapan nila, at dapat ay nagastos nila para sa kanilang pagkain o pangangailangan ng pamilya sa Pilipinas.
Mabuti na lang at ang pangalawa na umaasa pang maibalik ang kanyang $5,000 pagkatapos niyang kumpletuhin ang ipinangakong huling "task" niya kapalit ng pagpapadala niya muli ng $12,000 sa sindikato, ay nabasa ang istorya ng The SUN, kaya natigilan.
“3,000 HKD ang nawala sa akin. Sa tagal ko na dito sa Hong Kong ay very aware ako sa mga ganitong scheme pero nung nangyari ito sa akin in two days lang para akong na hipnotismo,” sabi ni Lita (hindi tunay na pangalan) na nabiktima noong nakaraang buwan.
Pindutin para sa detalye |
Pero bukod sa gusto nilang ilabas ang kanilang sama ng loob ay mas gusto ding iparating ang dalawa. Sana naman daw ay tigilan na ang paninisi at pangungutya sa kanila dahil sila ay mga biktima, hindi kriminal.
Ayon kay Lita nagdesisyon siyang sarilinin na lang ang problema dahil ayaw nyang madagdagan pa ang kanyang sama ng loob.
“Kaya ako nanahimik nung nangyari sa akin yun kasi ayaw kong mahusgahan ang pagkatao ko. Pag nasa sitwasyo ka na di mo na kilala pati sarili mo, magigising ka na lang kapag wala ka nang ma transfer na pera,” ani Lita.
“Mahirap husgahan ang mga biktima tulad ko kasi parang na hypnotize ako talaga noong dalawang araw na iyon.”
Malinaw kung sino ang tumanggap ng huling inilipat na pera ni Lita sa sindikato |
Naeengganyo daw siyang sagutin ang isang survey tungkol sa mga paboritong lugar panturismo ng mga taga Hong Kong dahil sa pangakong pabuya na dalawang libreng ticket sa Disneyland.
Pero hindi naibigay sa kanya ang premyo dahil inalok naman siyang mag “like” sa ilang page sa social media na ang bawat isa ay may kapalit na puntos, na maaaring papalitan ng cash kapag natapos na niya lahat ng mga pinapagawa sa kanyang utos.
Pagkatapos ay nakumbinsi na siyang pumasok sa crypto currency investment naman daw kung saan ang una niyang ipinasok na $200 ay agad tumubo ng $300, base sa pinalalabas nilang halaga sa website kung saan siya inutusang pumasok.
Pindutin para sa detalye |
Noong sumunod ay pinalipatan siya ng $800, tapos ay $500, isa pang $500 at ang huli ay $1,000. Ang lahat ng mga ito ay inutos sa kanyang ilipat sa account ng isang Chau Kwok Chung sa CMB Wing Lung Bank sa loob ng dalawang araw, mula March 3 hanggang 5.
Tuwing pinapaglipat siya ng pera ay sinasabihan siyang may mali kasi siyang ginawa, mula sa dapat ay combination ang dalawang hulog nya o hindi nya agad nagawa ang inutos sa kanya.
Sinabihan sya na ang hinulog nyang $3,000 ay maibabalik sa kanya ng doble, pero gayon na lang ang gulat niya nang sabihan siyang may ka miyembro daw siya sa grupo na gumamit ng “black money” kaya kailangang maglipat siyang muli ng $1,500 para ma unfreeze yung pera niya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Doon na siya nagising sa katotohanan na na-scam sya, at hindi na kailanman babalik ang pera niya.
Sa panahon daw na naging sunud-sunuran sya sa utos ng scammer na maglipat ng pera ay parang sila na lang daw ang natitira sa mundo, na parang wala siyang matatakbuhan para humingi ng tulong.
Mas malala ang naramdaman niya nang makapag-isip isip muli dahil nalaman niyang nagawa ng mga manloloko na pasukin ang isip niya para maging sunud-sunuran na lang siya.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
“Tatlong araw akong lutang sa stress. Hindi naman ako bata at newbie dito sa Hong Kong para maloko nang ganito pero nangyari sa akin,” dagdag ni Lita.
Naisip niya daw na ibahagi ang kanyang kuwento para maging listo ang mga kapwa niya domestic worker sa mga ganitong panloloko, lalo at perang pinaghirapan nila nang husto ang bigla na lang natatangay sa kanila.
Ayaw na rin daw niyang isumbong pa sa pulis ang nangyari kahit naitago din niya ang mga litrato ng paglilipat niya ng pera sa bangko at pati screenshot ng usapan nila sa Telegram app.
“Lesson learned na lang talaga,” sabi pa niya.
Iba naman ang survey na pinasagot kay Kate |
Mabuti na lang at pagkatapos niyang makapaglipat ng $7,000 sa loob ng tatlong araw noong nakaraang linggo lang ay wala na talagang mapagkukunan ng pera si Kate (di tunay na pangalan).
Tiyempo din na nabasa niya sa The SUN ang tungkol sa Pilipinang residente na na-scam ng $700,000 kaya napatigil siya at nakapag-isip isip.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Gusto kasi ni “Teacher Austin” na siyang nagtuturo kunyari sa kanya kung paano mag-invest na magpasok siya ulit ng $12,000 para daw makuha na niya ang pera niya na nagkakahalaga na noon ng $25,000.
Kahit anong pakiusap ni Kate na babaaan ang pinapahulog na namang pera sa kanya dahil wala na siyang mailabas ay nanatiling matigas ang kanyang “teacher.”
“You can find a solution for the fund problem yourself, and you can withdraw the money after this is completed,” ang mariing sabi nito sa kanya sa chat.
Bandang huli ay nagsabi ito na pwedeng babaan sa $7,000 ang kailangang maipasok ni Kate. At nang makiusap ang huli na payagan siyang bawiin kahit ang kalahati ng perang naipasok na niya ay tinawanan pa siya.
“You didn’t finish it and you want to withdraw money, isn’t it a joke,” ang sabi ng di kilalang tao.
Mabuti na lang at hindi tumulad si Kate sa iba pang nabiktima na nangutang sa financing company at kung saan-saan sa kagustuhan na hindi mapagalitan ng mga tao sa sindikato, at maibalik ang kanilang pera, kasama ang pinangakong malaking interes.
Sa account ng isang Carmela Villaraza pinalipat ang $5k ni Kate |
Ayon kay Kate, iniisip na lang niya ngayon na may kinalagyang mabuti ang perang tinangay sa kanya. Gusto din daw niya na mailahad ang kanyang sariling karanasan para maiwasan ng iba pang Pilipina ang mahulog sa ganitong klase ng patibong.
Pero masakit pa din na ang isang buwang suweldo niya ay naipatalo niya sa transaksyon na ang buong akala niya ay tunay.
“Hay, kaya ako ngayon hindi makatulog. Daming bayarin, tapos na scam pa,” sabi niya.
Ayon kay Kate, ang survey na pinasagot naman sa kanya kunyari ay para naman daw matulungan ang industriya ng pelikula sa Hong Kong. Ang mensahe ay galing sa isang numero na may area code ng United States.
Matapos niyang sagutin ang survey ay sinabihan siyang may premyo siyang $126 na maari niyang kunin online mula sa kanilang “receptionist.”
Dito na siya nakumbinsi na pumasok sa isang grupo na kunyari ay nag iinvest sa bitcoin, pero ang totoo ay gusto lang nilang pigain ang lahat ng mga taong papasok sa kanilang bitag.
PADALA NA! |
CALL US! |