Maraming paalala ang HK Police para makaiwas-scam ang publiko (File) |
Nakipulong ang hepe ng HK Police sa mga opisyal ng 28 bangko para hilingin ang kanilang tulong upang mas lalong mapahigpit ang pagsugpo sa ginagawang money laundering ng mga sindikato na nasa likod ng maraming mga scam ngayon.
Ayon kay Police Commissioner Raymond Siu, nakakatulong
sa pagsugpo ng scam ang ginagawang pagre-report ng mga bangko tuwing may kostumer
sila na nagtatangkang mag withdraw ng malaking halaga.
Gayunpaman, marami pa daw ang puwedeng maitulong ng
mga ito para mabawasan pang lalo ang mga nabibiktima sa mga scam.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Sabi niya, baka pwede ding paigtingin pa ng mga bangko
at pakikipag-ugnayan nila sa isa’t isa, at tumulong para mas mapabilis ang pag
diskubre sa malalaking halaga mula sa krimen na pinapadaloy sa kanila.
Kung maari ay sagutin din daw agad ng mga bangko ang
mga hiling na pulisya na bigyan sila ng impormasyon tungkol sa mga
kahina-hinalang transaksyon na ipinapasok sa kanila.
Pindutin para sa detalye |
Sabi ni Siu, malaki ang ibinababa ng bilang ng mga
phone scam na naireport sa kanila sa unang tatlong buwan ng 2023. Bumaba ito sa
587, mula sa 1,444 na naitala sa huling tatlong buwan ng nakaraang taon.
Ang nawalang pera ay bumaba din sa $195.10 million mula
sa $355.2 million.
Dagdag niya, malaki ang naitulong ng ginawa nilang
pakikipag ugnayan sa mga mobile phone companies para bumagsak ang bilang ng mga
scam sa telepono.
|
Bukod sa mga dati nang ipinatupad na panuntunan, makakarinig na rin ng alarma
ang mga gumagamit ng mobile phone tuwing may papasok na long distance simula sa susunod na buwan, kahit
ang numero na ginagamit ng tumatawag ay may area code ng Hong Kong.
Layon nitong matigil ang panloloko ng mga banyaga na
nagpapanggap na nasa Hong Kong lang para madaling mabitag ang mga residente
dito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kabilang sa mga nabiktima sa unang bahagi ng taon ay isang 31 taong gulang na abugada na nawalan ng $5.7 million matapos tawagan ng isang nagpapanggap na opisyal ng pulis sa mainland at sinabing may kinasangkutan siyang kaso doon.
Inutusan siya ng scammer na magbukas ng account sa
isang bangko, at lipatan ito ng pera. Nagising siya sa katotohanan nang
makitang wala ng lamang pera ang kanyang account.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Kamakailan naman ay may isang Pilipinang director ng
isang kumpanya ang nabudol kaya naglipat ng $700,000 sa account ng ilang tao sa
loob lamang ng isang araw.
Halos araw-araw ay may mga nai scam din, kabilang ang
mga foreign domestic worker. Nitong nakaraang linggo lang ay may nagbalita na
nawalan siya ng $16,000 at nagbabalak pang dagdagan ito kung hindi niya nabasa sa
The SUN ang tungkol sa mga nauna nang scam.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
May isa ding lider ng isang malaking grupo ng mga FDW
ang nagbalita noong nakaraang Linggo na isang kaibigan niya ang nawalan kamakailan ng $52,000 pero
nagdesisyon na huwag na lang itong ireklamo sa pulis.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |