Mga kuha ni Ramos na nagpapakita sa pagwasak sa airport ng kanyang dalang laruan |
Nag viral ang post ng isang Pilipinang domestic helper kamakailan, kung saan ipinakita niya kung paano winasak ng mga ahente ng Bureau of Customs sa Pilipinas ang dala niyang laruang eroplano mula Hong Kong dahil daw mukhang may laman itong kontrabando.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ayon kay Rachelle Anne
Ramos sa kanyang naunang post anim na araw na ang nakakaraan, matapos wasakin ang laruan ay “parang aspalto”
lang daw ang nakita ng mga ahente sa loob kaya ganoon na lang ang paghingi nila
ng dispensa.
Pindutin para sa detalye |
“Pasalamat nga sila di
ko na pinabayaran eh. May awa pa naman ako kahit kaunti lang,” dagdag niya.
Sa kanyang kuwento, dalawang
beses nang pinadaan sa X-ray machine at dalawang beses ding pinaamoy sa sniffer
dogs ang laruan, pero walang nakita. Kaya lang, ayaw din siyang paalisin kaya inalok
niyang wasakin na lang nila ito para makasiguro sila.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Bandang huli ay hindi na
din daw itinuloy ng ahente ang pagwasak sa buong eroplano dahil ayaw daw nitong
mabasag ang semento kung saan ipinatong ang laruan.
Si Ramos habang kinakapanayam ng GMA-7 |
Ayon sa panayam sa kanya ng GMA-7 kahapon, sinabi ni Ramos na pasakay na siya sa kanyang connecting flight sa Laoag City nang pigilan siya ng mga taga airport.
“Baka akala nila may
droga nga…There’s something inside nga, doon na ako nagtaka,” ang sabi niya.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Mungkahi ni Ramos, mas
maganda kung mag-upgrade ng X-ray machine ang airport para talagang malinaw
yung imahe na nakikita nila, at hindi mangyari sa ibang pasahero ang nangyari
sa kanya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon pa rin sa GMA-7,
nanghingi ng paumanhin sa nangyari ang tagapagsalita ng Bureau of Customs na si
Vincent Maronilla, at sinabing susundan nila ang mungkahi ni Ramos para mas
mapaayos ang pag screen sa bagahe ng mga pasahero.
PADALA NA! |
CALL US! |