The SUN
Dapat na pag-ibayuhin ang pagliligpit ng mga kalat sa mga pampublikong lugar |
Dobleng ingat sa mga nakakaligtaang magtapon ng kalat o mamulot ng dumi ng alagang aso, dahil nakatakda nang itaas sa $3,000 ang multa para dito, mula sa kasalukuyang $1,500.
Ayon sa mga balita, inaprubahan ng Executive
Council nitong Martes lang ang panukala na doblehin ang multa para sa
pagkakalat.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Mas matindi ang kasabay na pagtataas ng multa
para sa mga tindahan na sinasakop ang mga daanan para paglagyan ng kanilang mga
tinda. Mula $1,500 ay gagawin na itong $6,000, na bale apat na beses ang
pagtaas.
Balak daw ilatag ng Environment and Ecology
Bureau ang panukala sa Legislative Council sa ikalawang bahagi ng taon, at
inaasahan na papasa ito at pormal nang ipatutupad sa huling bahagi ng 2023.
Pindutin para sa detalye |
Hindi na bago ang planong ito dahil mismong si
Chief Executive John Lee ang nagsiwalat nito sa kanyang unang paglalatag ng mga
bagong polisiya noong Oktubre ng nakaraang taon.
Ito ang unang pagtataas ng multa laban sa
pagkakalat na isasabatas sa loob ng halos dalawang dekada.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sakop ng batas ang pagtatapon ng basura sa kalye, dagat at iba pang pampublikong lugar, pagdura sa publiko at sa mga parke, hindi paglilinis ng dumi ng alagang aso, at pagsabit ng mga poster at tarpaulin ng walang kaukulang permiso.
Samantala, hindi lang ang pagharang ng mga
tindahan sa mga daanan ang papatawan ng pinataas na multang $6,000 kundi ang
pagtatapon din ng mga kalat mula sa mga ginagawang gusali o daan. Dadagdagan pa
ang mga taong bibigyan ng karapatan na mag
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ayon sa mga opisyal, di hamak na madami ang sumuporta sa pagtataas ng multa sa mga nabanggit na paglabag sa batas sa isang buwang pagsangguni sa publiko ng gobyerno.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa 1,662 na katao na nagpahatid ng kanilang mga opinion, higit sa 80 porsyento ang nagsabi na kailangan na talagang dagdagan ang parusa. Pero 60 porsyento lang sa mga ito ang pabor sa laki ng bagong multa na nirekomenda ng gobyerno.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |