Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Biyaya pagkatapos ng unos

06 April 2023

 Ni Jovelyn Lontoc

Si Jovelyn at 2 anak sa hotel nila sa Bangkok na binayaran ng kanyang amo

Una sa lahat ay nais ko munang magpasalamat sa ating Panginoon sa lakas na ipinagkaloob niya sa bawat isa sa atin. Pangalawa, salamat po sa lahat ng staff at management ng The SUN Hong Kong. More power po.

Ako si Jovelyn Lontoc, 52 yrs old proud single mom of two boys, at tubong Aritao, Nueva Vizcaya, at nakatira ngayon sa Tierra Nevada, Brgy San Francisco Gen Trias Cavite.

Nagsimula akong magtrabaho dito sa Hong Kong mula January 2003 hanggang sa kasalukuyan. Sa loob ng 20 taon ay dalawa lang ang naging amo ko dito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Buo pa ang pamilya ko noon nang ako’y dumating sa aking amo na nakatira sa Mid-Levels, at pagkalipas ng apat na taon ay lumipat sa The Belchers, bago sa Bel Air sa Pokfulam.

Noong umalis ako sa Pilipinas ay punong-puno ng pangarap ang aking puso at isipan, at ang tanging hangad ko ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking mga anak. Buong-buo din ang tiwalang binigay ko sa aking asawa sa aking paglisan. Balak ko na magkaroon ng sariling bahay dahil nakikitira lang kami noon sa aking mga biyenan.

Sa awa ng Diyos ay naging mabait naman ang aking mga amo sa akin, at itinuring din ako na kapamilya. Dalawang batang babae ang alaga ko, at kada dalawang taon ang uwi ko sa Pilipinas.

Pindutin para sa detalye

Noong lumampas ako ng dalawang taon sa aking amo ay nasundan ang panganay niya at kumuha sila ng isa pang helper na makakasama sa pag-alaga ng bta. Purihin ang Diyos dahil yung ate ng nakuha nilang kasama ko ay ahente ng Camella Homes kaya nakakuha ako ng bahay doon thru Pag Ibig.

Taong 2013 nang dumating ang bangungot sa buhay ko. October 2013 ang wedding anniversary namin ng asawa ako at nagtaka ako kung bakit hindi niya ako binati. Nang sabihin ko ito sa panganay kong anak na noon ay 16 taon gulang pa lamang ay sinabi niya na nakita niya na dalawa ang cellphone ng tatay nya. Yung isa ay laging nakabulsa at kasama niya sa pagligo at nasa ilalim ng unan pag natutulog.

Sinabihan ko ang anak ko na tuklasin kung anong meron sa cellphone na isa at bakit hindi maalis sa katawan niya. Nagkaroon siya nang pagkakataon nang minsan na napasarap ng tulog ang ama niya at sa kamamadali dahil late na sa trabaho ay naiwan ang cellphone sa ilalim ng unan na walang security code. Nakita lahat ng anak ko ang usapan nila ng kabit ng tatay niya pero hindi sinabi sa akin dahil ayaw niyang masira ang pamilya namin.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero ang epekto ng paglilihim niya sa akin ay unti-unting pagbagsak ng katawan niya. Napansin iyon ng aming mga kapitbahay at may isa sa kanila ang nagsabi sa akin, bandang May 2014. Tinawagan at kinausap ko ang anak ko nangpuso sa puso. Pagtanong ko palang kung may problema siya ay umiiyak nang sinabi niya na may ibang babae ang ama nila.

Umiyak ako nang umiyak at nakita ako ng mga amo ko at tinanong ako kung bakit. Nang sabihin ko na may ibang babae ang asawa ko ay pinakalma ako ng amo kung babae at ang amo kong lalaki ko naman ang tagaabot ng tissue.

Noong medyo ok na ako ay tinawagan ko ang asawa ko pero hindi ko kinumpronta kasi plano kong umuwi. Pero noong November 2014 ay may nag message sa akin na kaibigan ko at sinabing may inuwing babae ang asawa ko sa bahay ng mga biyenan ko at tinanggap naman nila ng dalawang araw.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang ginawa ko ay tinawagan ko ang hipag ko at tinanong kung totoo na may inuwing babae ang asawa ko at ang sabi ay oo. Tapos ay tinawagan ko ang asawa ko at inamin niya sa akin na buntis ang kabit niya kaya niya inuwi sa magulang niya.

Noong oras na iyon ay para akong kandila na nauupos at puro galit ang laman ng puso ko. Pero nang nagsabi ako sa mga amo ko na uuwi ako ay hindi nila ako pinayagan at ang sabi ay kung hindi ako mamamatay ay ako ang makapatay dahil sa galit na nararamdaman ko.

Galit na galit ako sa amo ko dahil dito kaya hindi na rin ako makapag-isip ng maayos at matino, kaya lagi na kaming nag-aaway. Kahit mga simpleng bagay lang ay pinapalaki ko. Hindi ko na rin naiisip ang mga anak ko sa mga panahong iyon, hanggang dumating sa punto na gusto ko nang wakasan ang buhay kong hiram sa Diyos.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Isang araw, 2am, ay parang mababaliw na ako sa sobrang pag-iisip kaya nawala ako sa aking sarili. May narinig akong boses na tumatawag sa akin na lumabas ako sa terrace at umakyat sa ibabaw ng washing machine at tumalon sa bintana mula doon. Nasa ika-39 na palapag kami ng Bel Air noon. Yung boses na bumubulong sa akin, ang sabi ay isang hakbang na lang at nasa baba ka na. Punong puno ng luha ang mga mata ko noon at gusto ko nang wakasan ang buhay ko. Pero nagising ang alaga ko noon at umiyak nang walang dahilan kaya na distract ako sa plano ko na wakasan ang buhay ko. Bumaba ako sa washing machine at nanginig ang aking mga tuhod nang mapatingin ako sa ibaba. Pumasok ako sa kuwarto namin at hinalikan ang alaga ko dahil niligtas niya ang buhay ko.

Muntik na rin daw siyang magpakamatay dahil sa problema, sabi ni Jovelyn

Unti unti kong ginamot ang sakit ng puso ko sa tulong ng Facebook. May nakilala ako dito na siyang tumulong sa akin para mag move on, at handang makinig sa aking mga pag-iyak noon. Hindi ako nahihiyang umiyak na tumutulo ang sipon at luha ko habang kausap ko siya sa video call. Hindi nagtagal ay naging boyfriend ko siya.

Noong makita ng amo ko na ok na ako ay pinayagan niya akong umuwi noong June 2015. Pagdating ko sa Pilipinas ay hindi ko tinatawagan ang asawa ko kasi ang gusto kong makausap ay ang mga anak ko. Tinawagan ko sila at sinabi na hihiwalayan ko na ang ama nila at magpakatatag at magpakalakas sila kasi sa kanila ako huhugot ng lakas para kayanin ang bawat pagsubok na darating sa amin.

Pagkatapos ng 14 na araw ay bumalik na ako sa Hong Kong na walang kapera-pera. Noong August 2015 ay may kailangang bayaran ang anak ko sa eskwela kaya kinausap ko ang amo ko kung pwede akong mag advance ng aking sahod. Hindi siya pumayag kaya nangutang ako sa bangko.

Kinalingguhan ay naghanap ako ng bagong amo, kahit naka 11 years and 7 months na ako sa kanila. Ang dami kong interview dahil newborn ang alaga ko at marunong akong magluto ng Chinese food. Dito ko nakilala ang mga amo ko ngayon.

Noong August 30, 2015 ay ininterview nila ako at nagpirmahan na din kami. Nagbigay ako ng one month notice sa amo at pinauwi nila ako pagkatapos ng dalawang araw. Binayaran naman nila ako para sa aking long service at iba pa na mas higit pa sa computation ng ating Konsulado.

Dahil kailangang kailangan ako ng mga amo dahil may baby sila na limang buwan ay pina expedite nila ang processing ng aking kontrata sa agency.

October 27, 2015 nang mag-umpisa akong magtrabaho sa mga amo ko dito sa Tsing Yi at nag-alaga ng baby na noon ay halos pitong buwang gulang pa lang.

Sa mga anak daw siya humugot ng lakas noon, sabi ni Jovelyn

Mababait ang aking mga amo, dahil two months pa lang ako noon sa kanila ay pinauwi ako sa Pilipinas ng limang araw dahil graduation ng panganay kong anak sa kanyang culinary course. Sabi ng amo kong babae, “graduation happens only once”. Ang maganda doon ay sagot niya ang aking ticket. Binigyan pa niya ako ng Parker pen kung saan naka engrave ang pangalan ng anak ko.

Ang hindi ko alam, ang pag-uwi ko ay ginawa niyang pagsubok sa pangako kong babalik ako sa kanila. May kasama sila kasi dati na Pilipina din. Namatay ang tatay niya at humiram ng pera sa kanya bago umuwi. Hindi na ito bumalik.

Kaya nang makita ako ng amo paglabas ng Airport Express station sa Tsing Yi ay bigla niya akong niyakap at sinabi ang, “Thank you for coming back.”

Buong pagmamalaki kong ipinakita sa kanya ang litrato naming mag-iina sa graduation ng anak ko. Habang tinitingnan niya ang mga litrato namin ay niyakap niya ako ulit para i-congratulate ako.

Pagdating ng April 2016 ay graduation naman sa high school ng bunso kong anak. Isang gabi habang kumakain kami ay tinanong ako ng amo kong lalaki kung kumusta na ang mga anak ko at sinabi kong OK naman sila. Wala sa loob na sinabi ko na sa loob lang ng ilang araw ay ga graduate naman sa high school ang bunso ko. Bigla niya akong tinanong kung gusto kong umuwi. Sabi ko sana, kaya lang kakauwi ko lang last December. Hindi ko alam na pagkatapos niya akong tanungin ay nag book na pala siya ng ticket ko pauwi. Kaya ganoon na lang ang gulat ko nang pagkatapos naming kumain ay nagpadala siya sa WhatsApp ng itinerary ko sa limang araw.

Nakuha ko ang tiwala ng mga amo ko dahil nakita nila kung paano ko alagaan at asikasuhin ang anak nila habang sila ay nasa trabaho. Kahit may tatlo kaming CCTV ay hindi ako kailan man nailang na gampanan ang aking trabaho. Mabisita at mahilig sa party ang mga amo ko pero hindi ako nagrereklamo kahit madalas na late na ako matapos. Inilagay ko na sa puso’t isipan ko na trabaho ang ipinunta ko dito para sa kinabukasan ng aking mga anak.

Pagkalipas ng ilang buwan July 2017, ay magbe magbirthday naman ang bunso ko at mag de “debut” naman ang panganay ko dahil 21 taong gulang na siya. Pinayagan na naman akong umuwi sa pangatlong pagkakataon kahit hindi pa tapos ang akong kontrata, at libre ulit ang ticket.

Lumipas ang ilang buwan at nagpirmahan kami ulit sa aming pangalawang kontrata. Sa awa ng Diyos ay dinagdagan ang sahod ko.

Sa panahon ng aking pangalawang kontrata ay humiram ako ng pandagdag para mabayaran ko nang buo ang aking bahay at lupa. Ang kabuuang balanse ay Php326,000. Pagkatapos ko itong bayaran ay kailangan kong umuwi sa Pilipinas para personal kong kunin ang titulo sa Pag-IBIG.

Dahil sa paghihiwalay namin ng asawa ko ay hindi natirhan ang bahay namin ng halos dalawang taon. Pagkakuha ko ng titulo ay umuwi kami ng anak ko sa aming bahay. Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko noon papasok dahil nakita akong halos lahat ng gamit sa bahay namin ay sira na.

Pagbalik ko sa Hong Kong ay nanlulumo pa rin ako. Nang tanungin ako ng amo ko ay tinanong ako kung nakuha ko yung titulo at sinagot ko ng “Yeah, I did.” Sagot naman niya, “That’s good.” Noon ko pinakita ang mga litrato ng mga sirang gamit namin. Kinabukasan nagulat ako nang abutan niya ako ng $10,000 para bumili daw ng mga gamit sa bahay namin – at hindi daw utang. Umiyak ako at niyakap ko ang amo kong babae na buong puso ang pasasalamat.

Ang isa pang blessing na binigay nila ay noong mag graduate sa K12 ang bunso kong anak. Tinanong ni amo kung anong kurso ang kukunin ng anak ko, at sinabi ko na “computer engineering.” Nagulat na naman ako nang regaluhan niya ang anak ko ng Lenovo laptop na may printer pang kasama.

Noong nagka pandemic ay hindi ako nakauwi ng Pilipinas, at hindi rin ako naka pag dayoff ng ilang buwan. Binayaran naman nila ako ng $500 tuwing day-off ko na hindi ako lumabas. Sa laki ng kinita ko dahil dito ay nag-umpisa na din akong mamigay ng relief goods sa probinsiya namin at sa ibang lugar, at suportado pa rin ako ng aking mga amo. Ang daming tao at pamilya ang natulungan namin dahil dito.

Nitong January 5, habang kumakain kami ng hapunan ay nasabi ko na ang kaibigan ko ay tatlong beses na delay ang flight. Tinanong ako ng amo ko kung ilang araw na ba ng annual leave ko at sinabi ko na 25 days pag babayaran niya pero kung uuwi ako e magiging 28 days.

Biglang sinabi niya sa akin na “voided” na niya ang annual leave ko. Bigla akong nakaramdam ng pangamba at nanginig ako dahil sa isip ko ay baka i-terminate na niya ako. Pero ilang sandali pa ay tinanong niya kung may passport na ang mga anak ko. Ang sabi ko, sa January 26 pa yung appointment nila. Sumagot lang siya ng “ok.”

Pagkatapos nito ay sinabi niya na hindi niya ako papayagang umuwi sa December kasi busy sila sa trabaho, at may limang party daw sila sa buwang ito. Tapos, sinabihan niya ako na magkita na lang kami ng mga anak ko sa Thailand at sila ang bahala sa mga gagastusin. Isasabay na rin nila ako pagpunta doon.

Sa narinig kung yon ay hindi ko na naubos ang pagkain ko sa sobrang saya. Tapos nang sinabi niya na pupunta din sila dito sa Hong Kong lalo na akong nanginig at naiiyak na hindi maipaliwanag ang nararamdaman.

Sabi pa niya, yung gastos sa biyahe nila Manila to Chiang Mai at Bangkok at tapos ay Hong Kong ay sasagutin nilang lahat, kasama ang hotel accommodation at pati show money ng mga anak ko na Php60,000. Bibigyan din kami ng pocket money na 15,000 na Thai baht.

Ngayong March 31 ay magkikita na kami ng mga anak ko sa Thailand, kasama ang mga amo at alaga ko. Pagkatapos ay sabay-sabay kaming babalik sa Hong Kong, kung saan titira naman sila ng siyam na araw sa Rambler Oasis Hotel na nasa Tsing Yi din.

“Work with gladness in our hearts, no matter what, without complaining. And be patient to wait for our plans and dreams in life will happen in God’s perfect time. God bless us all.”

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
CALL US!

Don't Miss