Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Anim na taon na kaso laban sa Pilipinang nag overstay, tuloy pa rin

01 April 2023

 

Patuloy ang  pag-inog ng kaso ng overstay

Anim na taon na ang kasong isinampa laban kay Emelita Arista sa Eastern Court noong 2017 dahil nag-overstay siya nang mahigit 10 taon. Sa paghaba ng kaso ay malayo ang narating ng Pilipina sa sistema ng hustisya upang manatili sa Hong Kong.

Una, humingi siya ng refugee status kaya ipinagpaliban ang kasong nasa Eastern Court habang dinedesisyunan ng Immigration Department ang hiling niya na huwag siyang pauwiin.

Sa huli ay nakarating ang kaso niya sa Court of First Instance (CFI) ng High Court.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Noong Jan. 19 naglabas ang CFI ng desisyong bumigo sa kanyang hiling na payagan siyang iapela -- kahit atrasado na nang limang buwan -- ang desisyon ng Immigration Department na pagkaitan siya ng asylum.

Sinabi ni Deputy High Court Judge Bruno Chan na dahil wala rin namang pag-asang manalo ang apela niya, tinanggihan ding tuluyan ang kanyang hinihinging judicial review.

Ito na dapat ang huling hakbang bago siya pauwiin, pero hindi ito naging hadlang kay Arista upang pahabain pa ang kanyang kaso. Bagkus ay ito pa ang naging dahilan niya.

Pindutin para sa detalye

Humarap siya sa Eastern Court noong Miyerkules (Mar. 29) upang ipagpatuloy ang orihinal na kaso niya.

Sa tulong ng libreng abogado mula sa Duty Lawyers’ Service ng korte, sinabi niya na Marso na nang makita niya ang desisyon ng High Court kaya kailangan niya ng tatlong buwan para pag-aralan ito.

Humingi siya na ipagpaliban sa June 26 ang pagdinig, na sinang-ayunan naman ni Magistrate Lam Tsz-kan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Unang dumating si Arista sa Hong Kong bilang domestic helper noong 1999, at umuwi sa Pilipinas noong 2003 pagkatapos ng dalawang kontrata.

Noong 2006, bumalik siya sa Hong Kong bilang turista. Nahuli siya pagkalipas ng  mahigit sampung taon, o noong Feb. 19, 2017.

Sa kanyang aplikasyon sa non-refoulement o proteksyon mula sa pwersahang pagpapauwi sa kanya, sinabi ni Arista sa Immigration na nag-overstay sya dahil natatakot siyang umuwi sa Pilipinas kung saan may banta sa kanyang buhay.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Sinabi nya na binalaan siya ng kanyang pinsang si Ruel na papatayin kung hindi nya ititigil ang pag-angkin sa isang parte ng lupain na namana niya sa kanyang ama.

Ibinasura ng Director of Immigration ang dahilan ni Arista dahil pribado at pampamilyang away ito ay walang kinalaman sa polisiya ng gobyerno ng Pilipinas. Maliit din ang tsansang masasaktan siya ni Ruel, dahil sa laki ng Pilipinas ay pwede siyang manirahan na malayo dito.

Umapela si Arista sa Torture Claims Appeal Board, na tumangging baliktarin ang desisyon.

Pagkatapos nito ay lumapit naman siya sa High Court upang hingin na ibasura ang lahat ng mga naunang desisyon.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Pero tinanggihan ito ni Judge Chan, na nagsabing hindi trabaho ng High Court na litisin ulit ang mga kasong nadesisyunan na, maliban sa kung may maling interpretasyon sa batas.

At isa pa, ayon ng patakaran ng korte, may tatlong buwan lang si Arista para umapela sa High Court pagkatapos ng desisyon ng Torture Claims Appeal Board, pero walong buwan na ang lumipas bago siya lumapit sa High Court.

“Hindi ako makakita ng kahit anong magandang rason sa sobra niyang pagkaantala,” dagdag ni Judge Chan sa Ingles.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss