Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

$30 na sine at libreng kainan ngayong Sabado, hatid ng HK govt

25 April 2023

Ng The SUN

Dineklara ng mga pinuno ng HK ang pagtatapos ng problemang dala ng pandemya noong Pebrero

May dalawang malaking benepisyo ang inihanda ng pamahalaan ng Hong Kong para sa publiko ngayong darating na Sabado.

Simula bukas, alas otso ng umaga, ay maari nang pumunta sa alin man sa 18 service centres ng  Home Affairs Department at manghingi ng entrance ticket para makapasok at makakain ng libre sa isang malaking food fair na gaganapin sa Hong Kong Convention and Exhibition Centre sa Wanchai.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Bawat katao ay maaring humingi ng hanggang dalawang ticket lamang. May ilalaan ding mga tiket para sa mga mag wo walk-in sa HKCEE sa mismong araw ng Sabado.

Sa Huwebes naman, simula 11am, ay maari nang mag online booking para makanood ng sine sa halagang $30 lamang, o pumunta sa alin man sa 61 sinehan na kasali sa pasinaya para doon magreserba ng tiket para sa Sabado.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Hanggang apat na tiket naman ang maaring bilhin ng bawat katao online, o sa pamamagitan ng pagbili sa box-office ng mga sinehan.

Ang mga benepisyong ito ay hatid ng pamahalaan ng Hong Kong para tulungan ang mga negosyo na makabangon mula sa pahirap na dinala ng Covid-19 pandemic, at para na rin pasayahin ang mga tao dito.

Sa HKCEE sa Wanchai gaganapin ang libreng kainan sa Sabado

Sabi ng gobyerno, may 100,000 na ticket ang ipamimigay sa publiko para sa "Happy Hong Kong  Gourmet Marketplace," kung saan ang mga pinakamasarap na pagkain sa Hong Kong at iba pang lugar ang ipapatikim sa mga bisita. 

Para masiguro ang kalidad ng mga pagkain ay namili ang gobyerno ng mga kainang isasali mula sa listahan na ibinigay ng asosasyon ng mga restaurant, at mga konsulado.

Ayon sa pamahalaan, may itatayo ding palaruan sa loob mismo ng HKCEE para magkaroon ng libreng oras ang mga bisita na may mga kasamang bata na makalibot.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

May dalawa pang food fair na nakatakdang isagawa sa Sha Tin Park sa Mayo at Kwun Tong promenade sa Hunyo, kung saan hindi na kailangang magreserba pa ng tiket para makapasok.

Sabi naman ng mga opisyal ng isang samahan ng mga sinehan ay hindi lang bago ang mga pelikula ang ipapalabas sa Sabado, kundi pati yung mga popular din na pinalabas noong nakarang taon, lalo na noong Chinese New Year.

Hindi daw sila maghihigpit sa pagbebenta ng mga ticket dahil tiwala sila na walang mang-aabuso sa benepisyong ibinibigay nang libre ng gobyerno.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Makikipag-usap din daw sila sa mga opisyal upang maulit ang ganitong pagpapasaya sa mga residente at pagtulong para naman maiangat muli ang kanilang industriya.

Samantala, may iba pang pinaplanong pakulo ang gobyerno para magpatuloy ang kasiyahan ng mga residente, lalo sa Hulyo, para sa ika-26 na taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Hong Kong Special Administrative Region.

Tuwing Sabado ng gabi sa buwan ng Hunyo ay papapasukin ang mga tao nang libre sa Ocean Park, mula 6pm hanggang 11pm, para makapanood sila ng “multimedia lagoon shows” at isang konsyerto. 

Parte ito ng “Chill All Night” na kampanya ng gobyerno para sa siyudad na hindi natutulog.

Sa buwan naman ng Hulyo at Agosto ay isasagawa ang “Harbour Chill Carnival” sa tabing-dagat ng Wanchai. Gaganapin ito tuwing gabi ng Sabado at Linggo, mula 6pm hanggang 11pm.

Sa unang pagkakataon ay itatayo ang entablado para sa palabas na ito sa mismong Victoria Harbour, at sasabayan pa ito ng fireworks display at light show.

Magkakaroon din ng libreng konsyerto kung saan ang mga magtatanghal ay magmumula sa iba-ibang parte ng mundo.

 

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

PRESS FOR DETAILS
Don't Miss