Pinakawalan pansamantala ng korte ang dalawang Pilipina |
Itinanggi ng isang Pilipina sa korte kanina ang paratang na nagnakaw siya ng mga damit at iba pang gamit ng kanyang amo. Aniya, binigay ng amo sa kanya ang lahat ng mga ito.
Pero ayon sa amo, nalaman lang niyang ninakawan siya nang makita niya ang kanyang kasambahay sa Facebook na suot-suot ang mga gamit niya.
Si S. Bagasina, 35 taong gulang, ay isa sa dalawang Pilipinang domestic helper na humarap ngayon sa Kwun Tong Courts sa magkahiwalay na kaso ng pagnanakaw ng ari-arian ng kanilang amo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ayon sa sakdal laban kay Bagasina, ang mga ninakaw umano niya sa bahay ng amo sa Lohas Park ay anim na pangtaas, isang pants, isang “trousers”, isang sombrero, isang antipara, isang bra at tatlong bestida.
Ayon sa kanyang salaysay sa kanyang abogado, pinaratangan siya ng pagnanakaw matapos makita
ng amo sa Facebook page niya na suot niya ang mga gamit na ito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sinabi ng kanyang abogado sa korte na isang saksi ang ipatatawag upang
magpatunay sa kanyang sinabi.
Dahil sa pagtanggi ni Bagasina at sa paghingi ng abogado niya ng anim na linggong palugit upang ipatawag ang isang testigo, itinakda ni Acting Principal Magistrate Cheang Kei-hong ang paglilitis ng kaso sa May 3.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pinakawalan siya kapalit
ng $500 na piyansa.
Sa ikalawang kaso, si W. Pautan, 25 taong gulang, ay pinaratangan
ng amo na nagnakaw ng isang pares ng itim na medyas, isang asul na recycle bag,
isang itim na payong, isang pakete ng ruler, isang tayuan ng mobile phone,
isang puting adaptor, isang electronic blood pressure monitor at isang tela.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ipinagpaliban ni Magistrate Cheang ang kaso sa May 8 sa hiling ng taga-usig ng dagdag na oras upang pag-aralan ang kaso.
Pinagpiyansa rin niya si Pautan ng $1,000.
PADALA NA! |
CALL US! |