Dalawang Pilipina ang magkasabay na nahatulan sa Shatin Magistracy ng pagkabilanggo kanina dahil sa paglabag ng Immigration Ordinance.
Si Leah
Sagao, 45 taong gulang, ay nahatulan ng 15 buwan sa kulungan dahil sa pagtatrabaho
sa Causeway Bay kahit ito’y bawal para sa mga nag overstay ng kanilang visa na gaya niya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Nahuli
siya ng Immigation sa pinaglilikurang shop sa Causeway Bay noong Feb. 20.
Sa
imbestigasyon, lumabas na 17 buwan na siyang overstay dahil ayon sa kanyang visa, nakauwi na dapat siya
noon pang Sept. 6, 2021.
Pindutin para sa detalye |
Dahil sa
bigat ng kasong ilegal na pagtatrabaho habang siya ay overstaying na, ipinataw ni
Magistrate David Chum ang parusa niya nang walang bawas.
Ang isa pang
kasong inihain sa kanya -- ang paglagi sa Hong Kong nang lampas sa itinakdang petsa na Sept. 6, 2021 -- ay iniurong ng taga-usig.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ito ay dahil nag-apply si Sagao ng non-refoulement, na pumipigil sa pagpapalis sa kanya nang sapilitan habang pinoproseso ang kanyang hiling
na bigyan siya ng refugee status.
Ang kasama
niyang humarap sa korte na si Rowena Leano, 39 taong gulang, ay pinarusahan ng
apat na buwang pagkakakulong dahil nagsinungaling siya sa isang Immigration
officer.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Inamin
niya na noong Aug. 29, 2022, habang nag-aaplay siya ng extension of stay, nagsinungaling
siya nang sabihin niya sa officer na magtatrabaho siya bilang domestic helper sa
isang Intsik, na hindi naman pala niya totoong amo.
Mula sa
anim na buwan, binawasan ni Magistrate Chum ng 1/3 ang parusa ni Leano dahil sa
kanyang pag-amin.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Hindi
ipinaliwanag ng taga-usig kung bakit nagkasama ang dalawang Pilipina sa isang asunto,
samantalang magkaiba ang kanilang kaso.
PADALA NA! |
CALL US! |