Ng The SUN
Sa dulo ng pasilyong ito sa Fai Man Building nahuli ang 3 |
Napagalitan ang tatlong Pilipina na magkakasamang nahuli sa isang bar sa Li Yuen Street West (o mas kilala sa tawag na ale-ale) noong Agosto ng nakaraang taon nang humarap sila sa korte noong Biyernes na walang kasamang abugado.
Sinabihan sila ni Magistrate Minnie Wat na bumalik
ulit sa Duty Lawyer Service at siguraduhin na may abugado na sila pagbalik nila
sa korte sa Apr 28.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pinayagan silang magpiyansa muli ng tig $1,000 hanggang sa
susunod na pagdinig ng kanilang kaso.
Ang tatlo ay pare-parehong may problema sa visa. Si
Mary Jean Batalla, 52 taong gulang, ay nakitang nag-overstay na nang 14 taon
nang mahuli sa isang bar sa ikawalong palapag ng Fai Man Building sa Li Yuen
Street West, Central, noong Aug. 19.
Pindutin para sa detalye |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa tagausig, nakita sa mga dokumento ni Batalla
na dumating siya sa Hong Kong bilang turista at pinayagang mamalagi dito ng
hanggang July 7, 2008 lang.
Bukod sa paglabag sa kundisyon ng kanyang visa dahil
sa pag overstay, kinasuhan din siya ng pagbebenta ng alak ng walang kaukulang
lisensiya. Ayon sa sakdal, ang mga alak ay nasa loob ng siyam na boteng plastic
nang masamsam.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kasama niyang nahuli sina Myrna R. Reyes, 33, at
Rowena R. Abelido, 42, na parehong kinasuhan ng ilegal na pagtatrabaho sa bar gayong
nakatakda nang pauwiin ng Immigration sa Pilipinas.
Sinampahan din si Reyes ng kasong ilegal na pagbebenta
ng alak, katulad ni Batalla.
Bagamat may kanya-kanya silang address na binigay sa
korte, pare-parehong walang trabaho ang tatlo dahil mahigpit na ipinagbabawal
ito ng batas.
PADALA NA! |
CALL US! |