Nilagyan ng malaking kandado ang pasukan sa Penny's Bay bilang simbolo ng pagsasara nito |
Nagsagawa ng pasinaya ang ilang
ahensya ng gobyerno bilang hudyat ng pagsasara ng Penny’s Bay Community
Isolation Facility nitong Miyerkules, Mar. 1.
Pinangunahan ito ng Undersecretary for Security na si Michael Cheuk at dinaluhan ng mga opisyal ng Civil Aid Service at iba pang sangay ng pamahalaan na nagbigay ng serbisyo sa Penny’s Bay.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Cheuk na maraming pagsubok ang hinarap ng Hong Kong sa loob ng nagdaang tatlong taon dahil sa pagkalat ng Covid-19. Pero sa pagtutulungan ng mga taga Hong Kong at mainland ay naitatag ang ilang lugar para gamitin bilang quarantine o isolation centre ng mga naimpeksyon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa kanya, mahigit 270,000 katao ang napagsilbihan sa Penny’s Bay, at ito ay dahil sa mahusay na pamamahala ng CAS, sa tulong ng mga retiradong opisyal ng sandatahang lakas, at iba pang tauhan ng iba-ibang sangay ng gobyerno at mga pribadong grupo.
Binuksan ang Penny’s Bay noong July 16, 2020 para magsilbing tuluyan ng mga close contact ng mga nagpositibo sa coronavirus. Kabilang dito ang mahigit 1,000 residente ng Tung Chung na inilikas matapos makitaan ng bagong klase ng virus ang ilan sa mga nakatira sa parehong lugar.
Noon namang September 2021 ay inireserba ang dalawang bahagi ng Penny’s Bay para gamitin sa pag quarantine sa may 4,000 na bagong dating na mga foreign domestic helper.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Bukod dito, ginamit din ang Penny’s Bay para matuloy ang pagkuha ng Hong Kong Diploma of Secondary Education Examination ng ilang mga estudyante na may sakit.
Pati ang mga may sakit na gustong bumoto sa mga mahahalagang eleksyon katulad noong para sa Legislative Council noong 2021, at pagpili ng Chief Executive noong nakaraang taon, ay dito pinatuloy.
Nang lumala ang pagkalat ng coronavirus simula ng Pebrero ng nakaraang taon ay ginamit ang Penny’s Bay para tuluyan ng mga nagpositibo pero hindi delikado ang kalagayan, lalo na ang mga bata o may edad na hindi na kayang tanggapin sa mga ospital.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Nagtulungan ang iba-ibang grupo katulad ng Health Bureau, Auxiliary Medical Service, Department of Health, Hospital Authority, Hong Kong Police Force, Fire Services Department, Social Welfare Department at iba pa para tulungan ang CAS na masiguro ang tuloy-tuloy na pagseserbisyo ng Penny’s Bay sa mga maysakit.
Sabi pa ni Leung, sa loob ng 31 buwan na bukas ang Penny’s Bay ay pinalaki ito, kaya ang orihinal na 1,500 na kuwarto dito ay naging 10,000, at sumakop sa lupang may sukat na1,000 square meters.
Pindutin para sa detalye! |
Sa pagtatapos ng seremonya ay isinara ng mga tauhan ng CAS sa huling pagkakataon ang gate ng Penny’s Bay at nilagyan ito ng malaking kandado ni Cheuk bilang tanda ng pagtatapos ng kanilang serbisyo at ang pagbabalik ng normal na takbo ng buhay sa Hong Kong.
PADALA NA! |