Inaresto ng mga pulis si Arimas matapos mabaril. (File) |
Nadagdagan ang kasong kinakaharap ni Oliver Dairo Arimas, ang
Pilipinong nabaril ng pulis na sinakal niya diumano at itinulak sa hagdan noong Jan 24 nang
rumesponde ito sa reklamo tungkol sa pag-iingay ng mga nag-iinumang mga Pilipino sa isang paupahang silid sa
Peng Chau.
Sa pagdinig ngayon sa Eastern Court, sinabi ng taga-usig na
dalawang kaso ng pananakit o assault sa dalawang pulis ang isinampa laban kay Arimas, 43
taong gulang na negosyante.
Ipinalit ang dalawang kaso sa “assault with
intent to prevent lawful apprehension” o pananakit na ang intensyon ay pigilan
ang pag-aresto sa kanya, na unang inihain laban kay Arimas.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Idinagdag ng taga-usig na kakasuhan din ang isa pang Pilipino na kasama
ni Arimas noong gabi ng insidente.
Hindi sinabi ang pangalan ng pangalawang akusado, pero base sa mga naunang balita, may isang Pilipinong kainuman ni Arimas noong gabi ding iyon na inaresto din, ngunit pinayagang magpiyansa ng mga pulis.
Hiningi ng taga-usig na
ipagpaliban ang pagdinig sa April 19 upang mabigyan ng panahon ang pagbuo ng kaso laban sa ikalawang akusado.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil hindi humiling si Arimas na payagan siyang magpiyansa ay inutos ng Magistrate Lam
Tsz-kan na ibalik siya sa kulungan hanggang sa susunod na pagdinig ng kaso.
Nabaril si Arimas noong ikalawang araw ng Chinese New Year, bandang 10:40 ng gabi, sa second floor ng No 6 Wing On Street, Peng Chau.
Ayon sa tagausig, nakadalawang tawag sa pulis ang mga kapitbahay para magreklamo dahil sa pag-iingay ng isang grupo ng mga Pilipinong nag-iinuman sa isang kuwarto doon, kasama si Arimas.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Pagdating ng mga pulis ay dinakma daw sa leeg ni Arimas ang isa sa kanila bago itinulak sa hagdanan, kaya napilitan itong paputukan
siya ng tatlong beses, na tumama lahat sa katawan niya.
Itinakbo si Arimas sa Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital na kritikal ang kalagayan, at sinampahan ng kaso sa ikalawang araw kahit na hindi siya makapunta sa korte.
Naratay si Arimas sa ospital nang mahigit isang buwan bago humarap sa korte noong March 1.
Pindutin para sa detalye! |
Hiningi ng kanyang abogado na pakawalan siya kapalit ng $5,000 na piyansa upang mas maalagaan daw ang sugat niya at mabantayan niya ang tatlo niyang anak habang ang kanyang asawa at nagtatrabaho sa isang beauty parlor sa Central, pero hindi siya pinayagan.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |