Itinakda ang pag-sentensiya sa Pilipino sa April 4 |
Biglang natapos ang paglilitis ng isang Pilipino sa Eastern Court kanina nang umamin siya sa kasong pananakit ng kanyang asawa.
Bago rito, itinigil nang halos isang oras ang paglilitis laban kay Lito Felnar Novo, 48 taong gulang, upang hintayin ang testigo laban sa kanya, na nagpasabing papunta na sa korte pero naipit ang sinasakyang taxi sa traffic sa North Point.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Nauwi sa paglilitis ang kaso dahil itinanggi ni Novo ang paratang noong una.
Sinabi ng taga-usig kay Deputy Magistrate Leona Chan na
handa na siyang iprisinta ang kaisa-isang testigo upang patunayan ang pagkakasala
ni Novo, na nagtatrabaho sa isang restaurant bilang supervisor.
Pero nang dumating ang testigo, na siya palang biktima sa
kaso at asawa ni Novo, pinaghintay lang ito sa labas ng korte at hindi na pinapasok
dahil hindi na kailangan ang kanyang testimonya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nagmula ang kaso sa insidente kung saan sinabunutan ni Novo
ang asawa noong Dec. 5, 2020 sa kanilang bahay sa Leighton St. sa Causeway Bay.
Ayon sa paratang sa kanya, umuwing lasing si Novo at hindi agad
mabuksan ang pintuan kaya kumatok.
Nang mapagbuksan siya ng asawa, sinabunutan niya ito dahil sa
tagal nang pinaghintay niya sa labas.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Nagpunta sa Ruttonjee Hospital ang babae na nagrereklamo na masakit
ang anit. Itinawag sa pulis ang kaso matapos niyang ilahad ang nangyari.
Inamin ng abugado ni Novo na ikalawang beses na itong kinasuhan
ng pananakit sa asawa.
Ang naunang kaso ay natapos sa bind-over, kung saan nangako
si Novo na hindi na gagawa ng kasalanan sa loob ng dalawang taon, kapalit ng $2,000
na babayaran niya sa asawa kung siya ay lumabag sa pangako.
Pindutin para sa detalye! |
Dahil sa paglabag na ito, ang pinagsamang parusa ng dalawang kaso
ay dapat nang pagsilbihan ni Novo.
Ayon sa Offenses Against the Person Ordinance, ang parusa sa
kaso niyang common assault o pananakit ay pagkakakulong ng hanggang isang taon.
Hiniling ng abogado ni Novo na bigyan siya ng kahit anong
parusa huwag lang ang pagkakakulong, dahil may sinusuportahan pa siyang magulang
at anak sa Pilipinas.
Itinakda ni Magistrate Chan sa Apr. 4 ang pag-sentensiya kay
Novo.
Inutos rin niya na gawan ito ng report ng probationary
officer at Community Service Office, na gagawing basehan sa pagpaparusa.
Nakalalaya siya sa bisa ng piyansang $1,000.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |