Hindi sumipot ang Pilipina sa pagdinig ng kaso niya korte, kaya ipinaaresto. |
Isang Pilipinang may dalawang kaso ng shoplifting ang
nalubog sa mas malaking problema matapos na hindi siya sumipot sa pagdinig
ngayon sa Eastern Court.
Ito ay kahit huling tinawag ang kaso ni J. Aguli, 43 taong
gulang, sa listahan ng 16 na kasong nakatakdang dinggin ni Magistrate Minnie
Wat. Pero kahit pasado alas dose na nang tawagin ang kaso niya ay hindi pa rin siya sumipot.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Lalong napasama ang kaso ni Aguli na isang residente na walang trabaho, nang sabihin ng taga-usig
na hindi rin ito sumipot sa istasyon ng pulis sa North Point noong March 12.
Ito ay paglabag sa kondisyon ng piyansa na pansamantalang nagpalaya
sa kanya -- na dapat siyang mag-report sa pulisya
tuwing Martes at Linggo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dahil dito, isang arrest warrant ang inilabas ni Magistrate
Wan laban kay Aguli.
Kinansela rin ang police bail niya, at ipinagbawal na mag-piyansa
siyang muli.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Nagsimula ang kaso ni Aguli nang paratangan siyang nagnakaw
ng isang pakete ng chocolate na may halagang $240 sa isang sangay ng DS
Groceries sa Causeway Road sa Causeway Bay noong Feb. 9.
Pindutin para sa detalye! |
Nasundan ito noong Feb. 23 nang magnakaw umano siya ng isang
pakete ng chocolate na may halagang $238 sa sangay ng DS Groceries sa Metropole
Bldg sa King’s Road, North Point.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |