Nangyari ang nakawan sa tindahan na ito ng Wellcome sa Shau Kei Wan (Google photo) |
Maswerte pa rin ang isang Pilipinang domestic helper na umamin na tumangay ng mga tinda sa isang supermarket dahil pumayag ang isang mahistrado na iatras ang kaso sa kanya kapalit ng pangako na hindi na siya muling gagawa ng kasalanan sa loob ng isang taon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inamin ni Rowena A.C., 35 taong gulang at nakatira sa
Sai Wan Ho, na kinuha niya ang mga tinda na ang kabuuang halaga ay $201.70,
mula sa tindahan ng Wellcome sa Tai On Shopping Centre sa Shau Kei Wan noong
Nov 4 ng nakaraang taon.
Kabilang dito ang isang pakete ng iba-ibang klase ng
nuts, isang pakete ng mani, isang pakete ng tsokolate na may mani, apat na
piraso ng tsokolateng gummy at isang bote ng shower gel.Pindutin para sa detalye
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Inamin niya agad ang isang kaso ng pagnanakaw nang
humarap siya kay Mahistrado Minnie Wat sa Eastern court noong Mar. 2.
Bilang parusa ay inutusan siya ni Wat na magbayad ng $300
bilang gastos sa pagdinig ng kaso niya, at mangako (bind over) na hindi muling
magkakasala sa loob ng isang taon, kundi ay magmumulta siya ng halagang $1,000.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ang kasong pagnanakaw ay maaring parusahan ng hanggang
10 taong pagkakabilanggo, nguni’t madalas na hindi ikinukulong ang mga
tumatangay ng mga tinda na hindi kalakihan ang halaga.
PADALA NA! |