Inamin ng Pilipina ang mga paratang sa araw na itinakda para sa kanyang paglilitis |
Nahatulang makulong ng 12 buwan ang isang Pilipina na biglang umamin sa paratang na ninakawan niya ang dating amo ng tatlong piraso ng mamahaling alahas, kahit na noong una ay ipinagpipilitan niyang binigay sa kanya ang mga ito.
Nakatakda
sanang litisin si Marilou Roquero Dequilla, 56, sa Eastern Magistracy nitong
Biyernes, Mar. 3, nang bigla siyang magdesisyon na aminin ang mga pagkakasala.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Base
sa paratang, nangyari ang mga nakawan sa magkakahiwalay na insidente noong bandang
Mayo 13, Hunyo 23 at Hulyo 30, 2022 sa loob ng bahay ng among si Esther Ma sa
Tower 2 ng South Bay Palace sa South Bay Close, Repulse Bay.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang
unang tinangay ni Dequilla ay isang kuwintas na may mga brilyante at itim na
bato, ang pangalawa ay isa pang kuwintas na ginto na may palawit na brilyante,
at ang pangatlo ay isang pendant o palawit na ginto na may mga brilyante.
Pindutin para sa detalye |
Hindi binanggit sa sakdal kung magkano ang kabuuang halaga ng mga alahas na ninakaw ng Pilipina.
Bago
ang takdang paglilitis ay sinabi ng tagausig na may mga testigo sila na
magpapatunay sa pagnanakaw, kabilang ang anak na babae ng amo. Mayroon din
silang dalawang video kung saan inamin ni Dequilla sa mga imbestigador na siya
ang kumuha ng mga alahas.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pero
sa kanyang mga naunang pagharap sa korte, pilit na itinanggi ng Pilipina sa
pamamagitan ng kanyang abugado ang mga paratang. Ayon sa kanya, may patunay din
siya na ang mga alahas ay bigay sa kanya ng dating amo.
Nagpahiwatig
din ang kanyang abugado na parang hindi tama ang pagkakasalin ng mga sagot na
binigay ni Dequilla sa mga pulis na humuli at nag-imbestiga sa kanya.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Matapos
niyang umamin sa tatlong kaso ng pagnanakaw ay sinentensyahan ni Magistrate Ivy
Chui ng tig-walong buwan na kulong si Dequilla sa dalawang unang paratang, pero
pinag-isa (concurrent) ang ipinataw na parusa.
Sa
pangatlong insidente ay pinatawan siya ng apat na buwang kulong, na idinagdag
(consecutive) sa naunang walong buwan, kaya umabot sa 12 buwan ang kabuuang
sentensya niya.
Pindutin para sa detalye! |
Ngunit
dahil hindi na pinalabas sa kulungan si Dequilla matapos siyang maaresto noong
Oktubre ng nakaraang taon ay may ilang buwan na lang ang kailangan niyang
pagsilbihan.
Mariing
tinutulan noon ng tagausig ang pagtatangka niyang makalaya pansamantala sa bisa
ng piyansa, dahil daw sa bigat ng ebidensya laban sa kanya.
PADALA NA! |