Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

‘Pahiyas,’ tampok sa booth ng Pilipinas sa Flower Show

11 March 2023


Ang 'Pahiyas' booth ng Pilipinas sa Flower Show sa Victoria Park (kuha ni Beth Rizardo)

Muling nagbabalik ang Hong Kong Flower Show sa Victoria Park sa taong ito, at ang "Pahiyas," ang sikat na pasinaya ng pasasalamat sa magandang ani ng mga taga Lucban, Quezon ang tampok sa booth ng Pilipinas.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ayon sa Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong, nagkamit ng “Merit Award for Unique Feature” ang booth ng Pahiyas.

Kabilang din daw sa mga kalahok ang World Flower Council Philippines at Blue Grass Project Philippines na parehong nagkamit ng Grand Awards.

Press caption for details
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Isang karangalan din sa Pilipinas ang makapagsayaw sa pangunahing entablado ang Tinikling Group of Migrants ngayong Linggo, 10:30 ng umaga. Tampok dito ang pagsasayaw ng Tinikling nang nakapiring ng pangunahing miyembro ng grupo.

Ang nanalong halaman sa Open Competition
Samantala, ipinayahag naman ng gobyerno ng Hong Kong ang mga nagwagi sa mga iba-ibang patimpalak para sa mga local na kasali sa Flower Show.

Nagwagi ang halaman na isinali ni Lee Tak-keung sa Open Competition, samantalang ang mga estudyante naman ng SPHRC Kung Yik She Secondary School ang nagwagi sa paligsahan sa mga eskwela, sa pamamagitan ng kanilang tatlong makukulay na tanim ng bulaklak na nakasabit sa basket.


Pindutin para sa detalye


Ang nanalo naman sa pa-kumpetisyon ng Leisure and Cultural Services Department bilang Best Western Style Garden ay ang distrito ng Sai Kung samantalang ang Sha tin naman ang wagi sa Best Oriental Style Garden.

Best Western Style Garden

Ang tema ng palabas ngayong 2023, ang unang pagkakataon na itinanghal ito sa loob ng tatlong taon, ay “Bliss in Bloom” at hydrangea naman ang tampok na bulaklak.

May 400,000 na mga bulaklak, kabilang ang 40,000 hydrangeas, ang makikita sa flower show. Kalahok dito ang mahigit 220 grupo na mula sa iba-ibang bansa.

May mga palaro at sari-saring pakulpo sa mga booth bilang dagdag-kasiyahan ang mga bibisita. May mga nagtitinda din ng bulaklak at ibang gamit sa pagtatanim. Pinapaalalahanan lang ang lahat na magdalang sariling lalagyan para sa mga bibilhing tanim.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang flower show ay bukas mula 9am hanggang 9pm araw-araw, hanggang March 19. May bayad na $14 ang pagpasok, at $7 sa mga bata edad 4-14 taong gulang, may edad na 60 pataas ang edad, o may kapansanan tuwing araw ng Sabado at Linggo. Libre ang mga bata, may edad at may kapansanan mula Lunes hanggang Biyernes.

Pindutin para sa detalye!

Para sa iba pang impormasyon, bumisita lang sa webpage na ww.hkflowershow.hk/en/hkfs/2023/index.html o tumawag sa telepono bilang 2601 8260.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!

 

Don't Miss