Ng The SUN
Libo-libong construction worker ang planong papasukin mula sa ibang bansa |
May posibilidad na kumuha na rin ng mga trabahador sa ibang bansa ang Hong Kong para sa construction at transportation sector, ayon kay Labour Secretary Chris Sun.
Nasabi niya ang ito nang tanungin sa Legislative Council kanina, Miyerkules, kung pina plano ba ng gobyerno na umangkat na rin ng mga trabahador para sa dalawang industriya na ito, katulad ng planong pagpapasok ng mga caregiver mula sa ibang bansa simula sa Hunyo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Inamin niya na kasalukuyang malaki ang pangangailangan ng mga manggagawa sa dalawang sector na nabanggit, kaya plano ng gobyerno na gawan ito ng paraan sa kalagitnaan ng taon.
Sa kasalukuyan ay para lang daw sa mga care worker ang plano na pag-angkat. Pero inaasahan daw nila na maglalatag ng sariling panukala na katulad nito ang mga grupo na kumakatawan sa industriya ng construction at transportation.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Dagdag pa niya, natural lang daw na gawing basehan dito ang plano na binalangkas para sa mga care homes.
Ayon naman sa ibang balita, libo-libong mga construction worker ang malamang na papasukin sa Hong Kong simula sa Hunyo dahil kailangang kailangan sila.
Sa kasalukuyan ay may mga trabahador mula sa China ang pinapayagang magtrabaho dito pero limitado ang kanilang bilang at kailangan nilang dumaan sa mas matagal na proseso sa ilalim ng supplementary labour scheme.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAIL |
Samantala, lumitaw sa mga balita kamakailan na kulang na kulang din ang mga driver sa mga pampublikong sasakyan, kaya marami sa mga pinapayagang magmaneho ng taxi ay edad 60 pataas na, at nasasangkot sa mga seryosong aksidente.
Sa katunayan, ang isang driver na kinasuhan matapos makasagasa ng ilang katao sa Fortress Hill kamakailan ay 85 taong gulang na.
Susog naman ni Tommy Cheung, ang mambabatas na kumakatawan sa mga restaurant, kailangan din daw umangkat ang Hong Kong ng mga manggagawa para sa kanilang sector.
Pindutin para sa detalye! |
Nangangamba daw siya na kapag dumagsa ang mga turista dito na naengganyo sa kampanyang “Hello, Hong Kong” ay hindi magiging maganda ang kanilang karanasan dahil kulang na kulang sila sa mga tao.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |