Nakaiwas-kulong ang Pilipinang nilitis sa Shatin Courts |
Nakakatulong ang pag-amin sa kasalanan at pagsuko sa Immigration Department kung ang isang OFW ay nag-overstay at gusto nang umuwi sa Pilipinas.
Ito ang napatunayan ngayon ni M. Rey, 33 taong gulang,
nang makaligtas siya sa kulong matapos dinggin ang kaso niyang breach of
condition of stay (o paglabag sa kondisyon ng kanyang pagtira sa Hong Kong) sa
Shatin Courts.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ang parusa sana niya, matapos siyang hatulan ni Magistrate
David Chum, ay anim na linggo sa kulungan, pero dahil umamin siya,
nabawasan ito ng 1/3 at naging apat na linggo.
Nakatulong din na sumuko siya sa Immigration at wala pang dalawang taon ang pag overstay niya dahil nagbigay-daan ang mga ito para suspindihin ni Magistrate Chum ang sentensya niya nang 18 buwan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang resulta nito ay matutuloy ang plano niyang pag-uwi sa
Pilipinas sa March 31.
May pabaon pang payo si Magstrate Chum, na isinalin mula sa
Ingles: “Huwag ka nang gumawa ng bagong pagkakasala upang maalagaan mong mabuti
ang iyong magiging anak.”
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Nauna rito, sa pagtatanong ni Chum, sinabi ni Rey na may
kinakasama siyang residente pero wala silang
planong magpakasal.
Sinabi rin niya na gusto niyang makauwi agad upang sa Pilipinas
niya iluwal ang kanyang anak, na pitong buwan na sa kanyang sinapupunan.
Pindutin para sa detalye! |
Ayon sa kasong isinampa laban sa kanya ng Immigration, nag-overstay
si Rey matapos mapaso ang kanyang visa bilang domestic helper noong Dec. 29,
2021.
Sinabi ni Rey na tinangka niyang maghanap ng bagong employer
pero nabigo siya.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |