By The SUN
Pinaaresto ng amo ang akusado matapos nitong kunin ang kanyang earphones |
Huwag na huwag kukuha ng anumang bagay na hindi sa iyo dahil maaari kang makasuhan ng pagnanakaw.
Ito ang masakit na leksyon na natutunan ni J.
Albuero, 27 taong gulang, nang masentensyahan siya sa Eastern Magistrates Court
kanina matapos umamin na ninakaw niya ang “PLG wired earphones” ng kanyang among
lalaki na nagkakahalaga ng $145.
Hindi niya napigilan ang humagulgol pagkalabas ng
korte kasama ang mga umalalay sa kanya mula sa Bethune House Migrant Women’s
Refuge.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Kahit kasi sinuspindi ang kanyang sentensyang dalawang buwan at isang linggong pagkabilanggo sa loob ng 12 buwan ay may record na siya, at malamang na mapauwi na.
Bale isang buwan lang nakapagtrabaho si Albuero sa
mga among taga Victoria Road sa Sai Wan nang maaresto siya noong Jan 15 matapos
malaman ng among si Kwok Koon Wang ang pagkuha niya ng earphone.
Una diumanong napansin ni Kwok na nawawala ang
kanyang earphone noong Jan 12 kaya tinanong niya si Albuero kung kinuha niya
ito, pero tumanggi siya sa paratang.
Pindutin para sa detalye |
Noong Jan 15 ay sinabi ng asawa ni Kwok na nakita
niyang ginagamit ni Albuero ang earphone kaya tinanong nila ito muli. Dito na
inamin ng akusado na kinuha niya ang earphone dahil nakatuwaan niya, pero
sinauli niya ito muli sa lalagyan.
Ang lahat ng kanilang mga usapan ay nakunan sa CCTV.
Nakiusap si Albuero sa mga amo na patawarin na lang
siya, pero hindi pumayag si Kwok, at agad siyang pinaaresto.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa kanyang abugado, si Albuero ang tanging
sumusuporta sa kanyang dalawang anak na nasa Pilipinas, na edad 9 at 4 na taon.
Ito ang una niyang pagtatrabaho sa Hong Kong, at dumating siya dito noong
Disyembre ng nakaraang taon.
Hiniling ng abugado na patawan si Albuero ng magaang
na sentensya dahil pinagsisihan niya nang lubos ang nagawa niyang pagkakamali,
at agad niya itong inamin. Maliit lang din daw ang halaga ng gamit na kinuha
niya, at maisasauli pa ito sa amo pagkatapos ng paglilitis.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ayon kay Magistrado Minnie Wat, wala siyang nakitang
dahilan sa mga pinahayag ng abugado para bawasan niya ang sentensya ng
nasasakdal. Mabigat daw ang kaso dahil nilabag ng akusado ang tiwalang ibinigay
sa kanya ng kanyang amo.
Pero dahil inamin niya ang kanyang pagkakasala ay
mababawasan ang dapat na sentensyang tatlong buwang pagkakabilanggo ng ¼, kaya
magiging 2 buwan at 1 linggo na lang ito.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Isinaalang-alang din daw niya na maliit lang ang
halaga ng ninakaw, na maibabalik pa sa may-ari, kaya nagdesisyon siyang
isuspindi ang sentensya ng 12 buwan.
Pero binalaan niya si Albuero na sakaling lumabag
itong muli sa batas sa loob ng panahon na ito ay itutuloy ang pagkulong sa
kanya base sa sentensya, bukod pa sa ano pa mang parusa ang ipapataw sa kanya
sa bagong kaso.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |