Umani ng masigabong palakpakan ang pagsasayaw ng Tinikling nang nakapiring ang mga mata |
Masigabong palakpakan ang sumalubong sa mga OFW nang magbalik sila kanina sa entablado ng Hong Kong Flower Show sa Victoria Park, Causeway Bay.
Masayang naghiyawan at pumalakpak sa paghanga ang mga manonood nang magsuot ng piring ang mga nagsasayaw ng Tinikling -- ang grupong Tinikling Group of Migrants -- bilang finale ng 30-minutong pagtatanghal ng apat na grupo ng OFW.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Umani rin ng
karangalan ang lahat ng booth ng Pilipinas sa Flower Show.
'Design Excellence' ang pinanalunan ng World Flower Council (Philippines) |
Parehong nakatanggap ng Grand Award ang dalawang grupo na nagmula sa Pilipinas. Ang "Whispers of Wind" ng World Flower Council (Philippines Chapter) ay natanggap ang parangal para sa "Design Excellence" samantalang ang "Rotors" ng Blue Grass Project ay para sa "Unique Feature" sa non-local na patimpalak.
Kakaiba o "unique'' talaga ang disenyo ng Blue Grass Project |
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang booth ng
Konsulado, na pinamagatang "Bliss in Bloom" na hango sa Pahiyas Festival ng
Lucban, Quezon, ay ginawaran ng Award of Merit "For Unique Feature."
Ang "Pahiyas" ng Konsulado. |
Naunang sinayaw ng Tinikling Group ang Binasuan kung saan nagbalanse ng baso ang mga mananayaw sa kanilang ulo at mga kamay; Sakuting, kung saan ang mga mananayaw ay animo’y naglalaban sa arnis at Sayaw sa Bangko.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang
huling sayaw nila ay Tinikling kung saan ang bawa’t hakbang ay pag-iwas na maipit
sa mga kawayang ipinag-uuntog ng kanilang kasamahan.
Napahanga ang mga manonood nang maglagay ng piring sa mata ang mga mananayaw, at kampanteng humakbang sa bawa’t paghawi ng mga kawayan, at tiyempo ring nagtaas ng mga paa upang umiwas sa kasunod na pag-uuntugan ng mga kawayan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa likod ng
natatanging sayaw na ito ay si Marie Velarde, lider at pangunahing mananayaw ng
ng Tinikling Group at siya lumakad sa gobyerno ng Hong Kong upang maisali sila sa
tanghalan ng Flower Show.
“Yung finale
namin na Blindfolded Tinikling ang talagang hiniyawan ng maraming manonood,”
ika nya.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
“Nagpapasalamat
po ako sa mga grupong kasama kong nag perform, sa cooperation at full support
nila kahit medyo mainit kanina,” dagdag niya.
Maliban sa Tinikling
Group, binuo ng tatlo pang organisasyong OFW ang apat pang sayaw na sunod-sunod
na ipinamalas nila sa 30-minutong pagtatanghal.
Pindutin para sa detalye! |
Ang mga grupong ito ay ang:
- Migrant Ilonggo Cultural Dance Troupe, na nagsayaw ng Pamaypay de Manila at Sayaw sa Cuyo.
- Star Pinoy HK, na naghandog ng Gaway Gaway.
- Global Alliance Hong Kong na sumayaw ng Mamang Sorbetero.
Isa sa naki-palakpak
sa pagtatanghal ng mga OFW ay si Consul General Raly Tejada, na sumama na rin nang
magpakuha ng larawan ang mga mananayaw.
Samantala, dumagsa ang mga tao sa Hong Kong Flower Festival, na muling nagbabalik pagkatapos matigil ng tatlong taon dahil sa pandemya.
Kabilang sa libo-libong katao na pumila para makita ang makukulay at naggagandahang mga bulaklak at halaman sa loob ng Victoria Park at magkuhanan na rin ng mga litrato ay mga Pilipinong migrante.
PADALA NA! |