Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Malamig at maulan ang panahon bukas

25 March 2023

 

Nababalutan ng ulap ang Guangdong, kasama ang HK, sa kuhang ito ng satellite. (HKO photo)

Gigising sa malamig at maulan na Linggo ang Hong Kong bukas dahil sa parating na cold front galing sa norte, ayon sa Hong Kong Observatory.

Kasama ng Northeast Monsoon, magdadala ito ng maulap na papawirin at panaka-nakang pag-ulan lalo na sa umaga. Itinatayang babagsak muli sa 18-19 degrees Celsius ang temperature sa bandang ika-7 ng umaga.

Bandang tanghali kanina ay itinaas ang amber o yellow rainstorm warning dahil sa biglang pagbuhos ng ulan matapos mabalot ang paligid ng kadiliman.

Kinumpirma din ng HK Observatory ang balita na umulan ng hailstones sa Shatin at Sai Wan Ho bandang alas tres ng hapon. Huling nakita sa Hong Kong ang hail nong Setyembre ng 2021. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE!
Pindutin para sa detalye

Ang bugso ng hangin sa karagatan at mga matataas na lugar ay aabot din sa 70 kilometers per hour.

Bahagyang tataas sa 19 degrees ang temperatura sa Miyerkules.

PINDUTIN PARA SA DETALYE
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang mga paalala ng Observatory para sa mga panahong ganito:

1. Magkanlong sa mga ligtas na lugar kapag naabutan ng malakas na hangin.

2. Kung inabutan ng masamang panahon sa dagat, umahon agad.

Pindutin para sa detalye!

3. Huwag umakyat ng bundok, at lumayo sa mga bagay na maaaring tamaan ng kidlat, na gaya ng mga puno at mga poste.

4. Mag-ingat sa mga lumilipad na bagay na tangay ng hangin, o mga bumabagsak na bagay.

5. Kung nagmamaneho sa highway and flyover, bawasan ang bilis ng sasakyan.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!


Don't Miss