Nakaramdam ng takot ang isang Pilipina na sinubukang mag-apply bilang domestic helper sa isang nag post sa isang Facebook group page at nag-alok ng malaking suweldo at iba pang magagandang kundisyon.
Pagkatapos niya kasing sumagot at binigay ang telepono
niya sa nagpakilalang employer ay biglang naging business account ito sa WhatsAapp.
Mismong ang employment agency sa Pilipinas na inaaplayan niya ang nagtanong kung bakit
business at hindi personal account ang binigay niyang numero.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
“Nag aalala lang po ako baka maya nanloloko sila at
baka ako ang habulin ng mga naloko nila,” sabi ni Che, na naterminate sa
trabaho at sinubukang maghanap online ng maari nyang aplayan.
Sa pahina ng Hong Kong Jobs for Domestic Helpers ay natawag ang pansin niya ng isang “Melinda Dunaway” na kailangang kailangan daw ang isang helper/domestic worker, at maaring mag-aplay kahit yung mga terminated ang kontrata.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ayon sa post ni Melinda, Canadian daw ang pamilya
niya, at dalawa ang anak. Linggo ang day-off ng kanilang makukuhang helper, may
sariling kuwarto na may aircon, at may “any food you can eat.”
Ang pinaka maganda sa alok nito ay ang suweldong
$8,000 kada buwan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Kabilang si Che sa mga agad na nag mensahe kay
Melinda. Sabi niya: “Hello madam, I’m interested to apply as a helper. I am currently
here in Hong Kong and I was terminated by my employer. Madam, I need work for
my family and I don’t want to go back to the Philippines.”
Sumagot naman si Melinda, at sinabing kontakin sya sa
WhatsApp number niya na 954---3344 para sa job interview.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
“Dyan na po nagsimula, tapos kinuha niya ang number ko
para sa job interview,” sabi ni Che.
Nakita daw ng employment agency inaaplayan niya ng trabaho pabalik ng Hong Kong na ang numerong binigay niya ay
may “business account” sa WhatsApp.
Pindutin para sa detalye! |
Dahil dito ay agad daw niyang pinadalhan ng message si
Melinda at tinanong kung ito ang gumagamit ng numero niya kaya naging business
account ito. Hindi na siya sinagot.
“Noong una akala ko ay totoo nga pero nitong huli ay
nakapag isip-isip ako,” sabi ni Che.
Lalong tumibay ang kutob niya nang alukin siya ni Melinda na magtinda ng mga cellphone online, na agad namang tinanggihan ni Che.
Ngayon ay wala na sa Facebook page ang wanted ad ni Melinda.
Wika nga ng marami, kung masyadong maganda ang inaalok
na trabaho, kita o pabor, malamang ito ay scam.
PADALA NA! |