Hindi na muling makakapagsampa ng kaso ang mag-ina ng walang permiso ang korte |
Muling sinabi ng Mataas na Hukuman na masyadong malaki ang Pilipinas para makapagtago ang isang umiiwas sa kapahamakan, at may mga awtoridad na maaring hingan ng tulong ng isang nanganganib ang buhay o natatakot na pasakitan.
Sinabi ito ni Judge K.W. Leung, kay H.M. David at sa
anak niyang si G., nang tanggihan niya ang hiling nila na muling hamunin ang
desisyon ng Immigration Department na huwag silang payagang makapanatili pa sa
Hong Kong.
Dahil diumano sa paulit-ulit na pagsasampa ng kaso ng
mag-ina ay lumalabas na inaabuso na nila ang proseso ng korte, kaya naglabas si
Judge Leung ng “Restrictive Proceedings Order” laban sa kanila.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ang ibig nitong sabihin ay hindi na muling
makakapagsampa ng kaso ang mag-ina sa parehong dahilan nang walang pahintulot
ang hukom. Marami din silang kailangang gawin para patunayan na may dahilan ang
muli nilang pagsasampa ng kaso.
Payagan man silang magkaso muli ay wala nang pagdinig
ang magaganap, kundi palitan na lang ng dokumento.
Sa huling pagdinig ng kanyang kaso noong February 13
ay ipinaliwanag kay David kung ano ang ibig sabihin ng RPO, at matapos nito ay
sinabi niyang pumapayag siya sa mga kundisyong nakapaloob doon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Unang dumating si David noong Marso ng 2013 para
magtrabaho bilang domestic helper. Pero nong May 2013 ay nahuli siya sa aktong
pag-aalok ng panandaliang aliw, at paglabag sa kundisyon ng kanyang visa.
Nang mailipat ang kaso niya sa Immigration
Department ay pinayagan siyang makalabas pansamantala noong July 27, 2013.
Noong March 11, 2014 ay nagsampa si David ng “refoulement
claim” o pagtutol sa pagpapauwi sa kanya dahil daw sa nakaambang panganib sa
kanya doon.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Noong Sept 23, 2014 ay ipinanganak niya si G. na ang
ama ay isang lalaki na nakilala ni David sa Hong Kong. Hindi naglaon ay
nagsampa din si David ng kaso para sa kanyang anak. Pareho daw kasing nanganganib
ang kanilang buhay sa kamay ng kanyang asawa sa Pilipinas.
Pero nabigo sila na
kumbinsihin ang Director ng Immigration na payagan silang manatili
sa Hong Kong. Nagbaba ito ng desisyon noong Apr 26, 2016, na inulit nooong July
10, 2017 dahil sa pagpupumilit ng mag-ina.
Umapela ang dalawa sa Torture Claims Appeal Board, pero sinang-ayunan nito ang desisyon ng Immigration Director sa pamamagitan ng utos noong Oct 27, 2017.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sumunod
dito ay lumapit naman sila sa Mataas na Hukuman para humingi ng permiso na
iapela ang desisyon ng Immigration Director at TACB pero muli ay nabasura din
ito.
Hindi nawalan ng pag-asa si David, na ang
sumunod na pinuntirya ay ang paghihingi naman ng permiso sa High Court na
iapela ang desisyon nito sa Court of Appeal kahit lampas na ito sa taning. Muli
ay hindi sila pinayagan.
Nangyari ang pagbasura sa kanilang apela ng
Court of Appeal noong Sept. 10, 2021. Imbes tanggapin ang desisyon ay muling
hinamon ng dalawa ang desisyon.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Noong Oct 8, 2020 ay ang Court of Appeal naman
ang pumigil sa hiling nila na itaas sa Court of Final Appeal ang kanilang kaso.
Noong June 9, 2022 ang Pinakamataas na Hukuman
na mismo ang nagsabi na hindi na nila pwedeng iapela ang kanilang kaso.
Sa halip mawalan ng pag-asa ay bumalik sila sa
Director ng Immigration para humingi naman ng proteksyon laban sa pagpapauwi sa
kanila. Isinaad nila ito sa pamamagitan ng sulat na ginawa noong July 15 at
July 17 noong nakaraang taon.
Pindutin para sa detalye! |
Ayon kay David, may bagong pahiwatig na gusto siyang
saktan, pati na ang kanyang anak, ng kanyang asawa na nasa Pilipinas. Binantaan
daw siya nito na papatayin matapos malaman na hindi siya kasal sa ama ng bata.
Pumunta diumano ang kanyang asawa sa bahay ng
kanyang ina at itinulak ito sa sahig, pero hindi nasaktan kaya hindi na
nagreklamo.
Dagdag pa ni David, natatakot siya na kasuhan
siya ng kanyang asawa ng pakikiapid sa ibang lalaki. Samantala, natatakot din
daw siya na tratuhin nang hindi tama ang kanyang anak kapag nalaman ng iba na
anak ito sa labas.
Tumanggi naman ang Director na bigyan si David
ng isa pang pagkakataon na makapanatili pa sa Hong Kong. Wala naman daw bago sa
sinabi nito. Kahit pa totoong sinugod ng kanyang asawa ang kanyang ina ay hindi
naman ito sinaktan.
Base sa impormasyon tungkol sa Pilipinas,
maraming mga grupo, sa gobyerno man o sa pribadong sector, na maaring
makatulong sa kanilang mag-ina. May mga pulis o iba pang tagapangalaga ng
katahimikan na maari nilang lapitan.
Sumang-ayon naman si Judge Leung sa desisyon ng
Director, at sinabi na hindi pakikialaman ng korte ang desisyon ng Immigration
liban na lang kung may matibay na basehan para sabihin na nagkamali ito sa
pagpapatupad ng batas.
PADALA NA! |