Isa sa mga botante noong nakaraang halalan sa HK. |
Nagsimulang muli ang kampanya ng Konsulado upang hikayatin ang mga Pilipino sa Hong Kong na magrehistro upang makasali bilang overseas voter sa susunod na halalan, na gaganapin sa May 2025.
“Panahon na naman po ng pagrerehistro ang ating pinagkakaabalahan
ngayon,” ayon kay Consul General Raly Tejada.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
“Paglaanan po natin ng konting panahon. What’s a Sunday para
magparehistro para hindi na maulit yung nangyari last time, wherein I think two
three months before saka tayo nagkumahog para mag rehistro,” dagdag niya sa
isang pagpupulong kamakalian.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“Andyan po yung ating registration facilities. It’s up and
running. Let’s just let the whole community know na open na ulit ang ating
registration sa halalan sa 2025,” ika niya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang mga opisyal na nakatakdang ihalal ng mga overseas voter sa
tinaguriang mid-term election ay ang 12 senador na nahalal noong 2019 – kalahati
ng Senado na binubuo ng 24 na senador -- at mga partylist representative sa
Congress.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Sa botohan sa Pilipinas, ang mga ihahalal maliban sa kanila
ay ang mga congressman at lahat ng mga opisyal ng lalawigan, syudad at mga bayan
Upang maging mas madali ang pagpapalista sa Konsulado, mayroon
nang iRehistro – isang platform sa internet kung saan pwede nang mag fill-up ng
application form online.
Pindutin para sa detalye! |
Ang mga gagamit nito ay automatikong bibigyan ng QR Code sa application
form, na pwede nilang i-print o i-download ang image.
Ipinaalala ng Commission on Elections na kailangan pa ring
dalhin ang form sa Konsulado upang ma-scan nila ang QR Code, para makumpleto
ang rehistro.
PADALA NA! |