Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

‘Hindi totoo ang job-hopping’

17 March 2023

 Ni Cynthia Tellez, general manager ng Mission for Migrant Workers



(Ang sumusunod ay tugon ni Cynthia Tellez, general manager ng Mission for Migrant Workers, sa balita na balak ipasok ng Labour Department ang babala tungkol sa ‘job hopping’ sa Code of Practice for Employment Agencies. Magkakaroon ng walong linggong konsultasyon sa iba-ibang grupo tungkol sa panukalang ito simula sa Martes, March 21).

Hindi ko maintindihan kung paanong napapatunayan na sa paglilipat lang ng employer ay napagsususpetchahan nang nagja-“job-hopping” or “employer-shopping” ang migrant domestic workers (MDWs).

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ang paliwanag ay may nang-eenganyo raw at may nagbabayad pa raw sa mga MDWs ng isa hanggang dalawang libong HKD para lumipat lang ng employer. Ano ang isa hanggang dalawang libong HKD kumpara sa HK$4730 hanggang HK$7095na mawawala sa kanila sakali mang sa pinakamabilis na paraan makakakita ng employer ang isang MDW sapagkat inaabot nang 4-6weeks ang pagpoproseso ng pag-aapruba ng kontrata ayon sa tantiya ng Immigration Department?

Pindutin para sa detalye

Sa Mission For Migrant Workers, sa loob ng isang taon last year, ang pinakamalaking bilang ng lumapit sa Mission ay yung nais magpa-compute ng kanyang makukuha sa employer dahil nawalan o mawawalan ang mga ito ng trabaho: either aalis na ng HK ang employer, hindi na kailangan ang kanyang serbisyo dahil malalaki na ang mga bata o namatay na ang inaalagaan nito, o bumagsak ang kabuhayan ng employer at napilitan itong i-terminate ang kanilang kontrata. Ang batayan ng Mission dito ay ang laki ng halaga ng entitlements na nakuha ng mga MDWs sa employer.

UNA, maraming employer ang nangunang mag-terminate ng kontrata sa kanilang MDW; kung hindi lumabas na ng Hong Kong for good, nawalan naman ng trabaho kaya hindi na kailangan ang serbisyo ng MDW; meron dahil malalaki na ang mga bata o namatay na ang inaalagaan nito; o, bumagsak nga ang kabuhayan ng employer at napilitan itong i-terminate ang kanilang kontrata sa MDW nila.

Press caption for details
PINDUTIN PARA SA DETALYE

PANGALAWA, malalaki ang ibinayad ng mga employers sa mga tinerminate nilang DW. Dahil sa tagal ng paninilbihan ng MDW sa kanyang employer, nag-qualify sila sa long service pay or severance pay maliban pa sa naglalakihang annual leave pay at iba pang contractual obligation ng employer. Kung nakaka-claim ang mga MDWs ng kanilang LSP or SP, nangangahulugang nagtagal sila sa employer at nag-qualify sila rito. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

May mga employers ding hindi man umalis ng HK ay nawalan naman ng trabaho o bumagsak ang negosyo o lumalaki na ang mga bata. Gayundin, employer pa rin ang nag-iinitiate ng termination ng kontrata at hindi ang worker. Hindi naman babayaran ng LSP o SP ang isang migrant domestic worker kung hindi ang employer ang nag-terminate ng kontrata o hindi na ulit nais pumirma pa ng bagong kontrata. At ulit, qualified sila sa LSP or SP dahil nagtagal sila sa kanilang employer. Ibig sabihin, harmonious ang relationship. 

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Mahalagang bagay ang makita at kilalaning tinutupad ng mga employer ang kanilang obligasyon sa kanilang MDW. Kaya maging sa settlement ng obligasyon batay sa kontrata, naayos ito nang hindi na umaabot pa sa lebel ng dispute na kailangan pang resolbahin sa pamamagitan ng Labor Officer.  Ganyan din karami ang may mabubuting-pusong employers.

Pindutin para sa detalye!

ANG PAGHIHIGPIT PANG LALO sa kalagayan ng MDWs ang hindi maliwanag ang batayan. Maging ang batayan ng tinatawag nilang “job-hopping” ay suspetsa lang nila. Puro haka-haka lang naman ang mga ibinibigay nilang justification. At mula sa mga haka-hakang ito ay pinarurusahan na kaagad ang MDW. 

Ang mga MDWs ay gumasta rin nang malaki sa pagbabayd sa mga iniimbentong bayarin ng mga ahensya. Kung hindi ka naman magbabayad sa ahensya, hindi ka naman hahanapan ng bagong employer. At nakakahanap din sila ng mga employer dahil kailangan talaga ang kanilang serbisyo. Hindi nila pinagpipilitan ang sarili nila dahil kung ayaw sa kanila ng employer, kahit isang araw lang ay pwedeng i-terminate ng employer ang kontrata. 

Maraming employer ang tinatawag na “terminator.” Ang mga ito ba ay hinihigpitan din? Bakit nakakakuha pa rin sila ng MDW kung nakasuhan na? Iba lang talaga ang trato sa mga MDWs ito.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss