Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Gawing makabuluhan ang pag-akyat ng bundok

18 March 2023

 

Mga kasali sa nagdaang planting day

Mahilig ka bang umakyat ng bundok sa iyong day off at gusto mong maging makabuluhan ito?

Sumali sa proyektong Country Parks Hiking and Planting Day 2023 ng Agriculture, Fisheries and Conservation Department (AFCD) na pinaghahalo ang saya ng pamumundok at pagtatanim ng puno.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Gagawin ang mga ito nang sabay, kaya mas maigi na dalhin ang mga kaibigan at kabarkada.

Ayon sa AFCD, ginawa nila ang proyektong ito upang ipakalat sa publiko ang mensahe na dapat alagaan ang kalikasan at itaguyod ang tamang paggamit nito.

Pindutin para sa detalye

Itinakda sa tatlong araw ng Marso at Abril ang Country Parks Hiking and Planting Day 2023, na bukas sa lahat:

Sa March 26: Lantau Trail Section 3, Lautau South Country Park.

Sa April 16: Pat Sin Leng Nature Trail, Pat Sin Leng Country Park.

Sa April 23: Pak Tam Chung Family Walk, Sai Kung West Country Park.

Press caption for details
PINDUTIN PARA SA DETALYE

Kailangan lang na sumipot sa mga lugar na ito sa takdang araw at magpatala kapag naroon na upang mabigyan ng seedlings at mga gamit sa pagtatanim.

Malayang pumili ang mga kalahok kung saan nila gustong magtanim sa mga parkeng ito.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Mula sa palistahan, aabutin ng 25 hanggang 40 minuto ang pag-akyat upang marating ang lugar na pagtatamnan ng mga puno.

Pagkatapos magtanim, malaya ang mga kasali na ituloy ang kanilang pag-akyat sa bundok gamit ang rutang nasimulan, o bumaba na ulit sa kabayanan.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ang payo lang ng AFCD sa mga sasali sa pagpili ng pagtataniman, dapat isaalang-alang ang kanilang kakayahan sa pag-akyat sa mga bundok. Magdala rin ng sariling tubig at pagkain, at huwag mag-iwan ng kalat sa bundok.

Ang iba pang detalye tungkol sa proyekto ay makikita sa website ng Nature in Touch website (www.natureintouch.gov.hk/) at Facebook page ng Hong Kong Country Parks  (www.facebook.com/hongkongcountryparks/).

Pindutin para sa detalye!

Pwede ring tumawag sa 1823 o mag-email sa nature@afcd.gov.hk.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss