By Daisy CL Mandap
Si Selomenio (kanan) bago umalis ng HK: Isang oras siyang na-hold sa NAIA pabalik |
Usap-usapan ngayon sa social media ang madalas na pag “offload,” o pagpigil sa pagsakay sa eroplano ng mga Pilipinong paalis papunta sa ibang bansa, ng mga opisyal ng Immigration Department na nakatalaga sa mga airport sa Pilipinas.
Mas umugong ang usapin nang lumabas sa mga balita
nitong March 11 ang tungkol sa karanasan ng isang freelance writer na hindi
nakasakay sa eroplano papunta ng Israel noong Disyembre sa dami ng tinanong sa
kanya ng immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport.
Ayon sa pasahero, tinanong pa siya ng taga immigration
kung may dala siyang yearbook para patunayan na nagtapos siya sa kolehiyo.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Muntik na ring nangyari ito kamakailan kay Leo
Selomenio, chairman ng Global Alliance Hong Kong at tauhan sa isang employment
agency.
Ayon sa Facebook post ni Selomenio, na dating domestic
helper, na hold siya sa Immigration ng mahigit isang oras dahil sa akusasyon na
peke ang hawak niyang Hong Kong ID card. Tinanong pa daw kung saan niya ito
pinagawa.
“Sabi ko, pag naiwan ako ng flight ko alam mo ang
consequence ng ginagawa mo? You are holding me for no reason,” sabi pa niya.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Ang dami daw hinanap sa kanya samantalang siya naman
ay tinitingnan ang oras.
“Sabi ko, nakapunta ka na ba ng Hong Kong para alam mo
na peke yong dokumentong hawak ko.”
Sa inis daw niya ay tinanong na niya kung magkano ba
ang dapat niyang bayaran para payagan siyang umalis. Bandang huli ay binigay
din sa kanya ang kanyang pasaporte at sinabihan na ayusin niya ang kanyang mga
dokumento pagdating niya sa Hong Kong.
“Sinagot ko, maayos ang papel ko, ikaw etong hindi
maayos,” dagdag ni Selomenio.
Mga pasaherong paalis sa NAIA matapos dumaan sa Immigration |
Unang unang pinagdududahan ay ang mga single na walang
trabaho na babalikan sa Pilipinas, o yung malinaw na titirahan sa Hong Kong.
Maari silang hingan ng patunay ng kanilang trabaho o mga papeles na magpapakita
kung mayroon silang sapat na perang ipantutustos sa kanilang bakasyon.
Pero ang pinaka mahalaga ay yung air ticket na may
petsa ng pagbalik sa Pilipinas, at patunay ng kung saan tutuloy sa Hong Kong,
katulad ng hotel booking o affidavit of support ng kaanak o kaibigan na
tutuluyan.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Sa isang interview kamakailan, sinabi ni Consul Paulo
Saret, pinuno ng Assistance to Nationals section ng Konsulado, na mas maigi na
kumuha ng ganitong affidavit ang mga Pilipino na sasagot sa pagbibiyahe ng
kanilang mga kaanak sa Hong Kong, para makasiguro.
Ito ay matapos maglabasan sa social media ang kuwento
ng mga kapamilya ng mga migranteng manggagawa na hindi pinayagang makaalis sa
Pilipinas, kahit pa may dala-dala silang sulat mula sa employer ng kaanak.
Kung dati ay maari nang gawing patunay ang ganitong
letter of support mula sa employer ng migrante, ngayon ay mas malamang kaysa
hindi na tatanggapin ito dahil ang affidavit ang talagang hinihingi sa airport.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Dahil sa napapabalitang paghihigpit sa mga patakaran
para sa mga paalis, hindi maiwasan ng marami sa mga nakatakdang bumiyahe sa
Hong Kong ang mangamba na ma offload sila.
Marami sa mga online seller ang nagtatanong sa mga
chat forum kung kailangan ba talaga silang
magpakita na rehistrado ang kanilang negosyo, at nagbabayad ng tamang
buwis.
Ang iba naman ay may dala-dalang patunay na may sapat
silang ipon sa bangko, at iba pang papeles na nagpapakita na kaya nilang
gastusan ang kanilang biyahe.
Pindutin para sa detalye! |
Pero mayroon ding kakaiba ang pangamba, katulad ni
Claire na aminadong nagpunta siya sa Dubai noong 2016 at nanatili doon ng anim
na buwan dahil talagang naghanap siya ng trabaho, kaya lang ay hindi pinalad.
Ngayon ay may asawa na siya at isang anak, at negosyong
sapat ang kita. Kayang kaya na nilang magliwaliw gamit ang perang kinita sa
Pilipinas kung tutuusin.
Sa kabila nito, hindi pa rin maalis-alis sa isip ni
Claire na baka pigilang umalis ang kanyang pamilya, at masira ang matagal na niyang
inaasam na makabiyahe sila at magsaya.
Sa bandang huli kasi, tunay na napakalaki ng kapangyarihan
ng mga opisyal ng Immigration na payagan o pigilan sa paglabas ng siyudad ang
mga Pilipino, kabilang ang ilan na ang tanging pangarap ay makapasyal at
magliwaliw sa ibang bansa.
PADALA NA! |