Si Mercy at kanyang grupo ay regular na nagbibigay ng dugo sa Red Cross |
“Muntik na akong ma scam kahapon…because of trust.”
Ito ang bungad ni Mercy Permales, lider ng United Philippine Taekwondo Organization Hong Kong (Upto HK) at Lady Drivers Organization Hong Kong, nang ilahad ang naging karanasan niya sa pakikipag chat sa isang nagpapanggap na kakilala niya noong nakaraang Martes, Mar 21.
Una ay kinuha ng ka-chat ang kanyang telephone number gamit ang Facebook account ni Zachery Wong, isang driving instructor na laging naiimbitahan na magbigay ng pagsasanay sa mga Pilipino na gustong makakuha ng lisensiya sa pagmamaneho sa Hong Kong.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ayon sa ka chat niya ay isasali siya sa isang raffle ng HKTV mall, pero kailangang ibigay niya ang telephone number nya para maipasok sa palaro. Pagkabigay ni Mercy sa kanyang numero ay may nag text sa kanya ng 6-digit code na galing diumano sa Google.
Hiningi ng kanyang ka-chat ang code, at kunyari ay chineck kung may napanalunan siya sa raffle base sa numerong ipinasa sa kanya.
Ang parte ng chat kung saan sinabihan si Mercy na nanalo siya ng $2k |
Agad-agad ay nag “Wowww” ang kausap at sinabing nanalo siya ng $2,000 sa raffle ng HKTV Mall. Kaya lang, ayon dito, ay kailangang ipadala ang napanalunan ni Mercy sa kanyang credit card.
Sagot naman ni Mercy ay hindi niya makita ang kanyang Visa card na hindi naman niya nagagamit, kaya ang bank card na lang niya sa PNB ang ipinakita.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
“A Hong Kong card is required for transfer,” ang parang nalulungkot na sabi ng kausap.
Sagot naman ni Mercy, “Oh I see. I cannot find my Visa card. Maybe just give it to someone else Mr Wong. To President Mayette Cortez (of Road HK).”
Hindi ito pinansin ng kausap, at sa
halip ay inulit ang “Did you find your Visa card?”BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS
Noon na nag-isip si Mercy na mag check, at nalaman niya sa kapwa lider ng mga driver na si Mayette na na-hack ang account ni Wong.
Para makasiguro ay nag check din si Mercy sa internet at nalaman niya na walang instant raffle draw na isinasagawa ang HKTV Mall.
“I did search…sa HKTV Mall web, at
wala nga silang promo na ganyan. Kaya ni report ko sa FB para hindi na rin maka
pang biktima. Kawawa naman mga kabanayan natin kung ma bibiktima,” sabi ni
Mercy.
Pindutin para sa detalye! |
Dagdag pa ni Mercy sinadya niyang hindi ibinigay ang mga impormasyon sa kanyang Visa card na wala naman daw laman.
Pero ang payo sa kanya ng mga kaibigan, hindi importante kung walang laman ang kanyang credit card dahil siguradong gagamitin ito ng hacker para ipamili, at ang lahat ng mga iyon ay sa kanya sisingilin.
Naka block na daw sa kanya ngayon ang hacked FB account ni Wong, at dahil sa nangyari ay mag-iisip daw muna siya nang matagal bago kagatin ang ano mang alok ng mga ka chat, lalo kung may kinalaman ito sa pera.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |