Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

Dahil sa pag-ibig, Pinoy lumabag sa batas

28 March 2023

 

Ang kasintahan at kapatid ng Pilipino ay naglalakad palayo sa korte 

Dahil diumano sa pagmamahal sa kanyang kasintahan ay nagawa ng isang Pilipino na pirmahan ang isang pekeng kontrata para mabigyan siya ng visa bilang domestic helper, at upang manatili silang magkasama sa Hong Kong.

Pero hindi natinag ang taga-usig sa paliwanag na ito ng abogado ni Mark Luansin, 34 taong gulang at tubong Nueva Vizcaya,  nang aminin niya ang sakdal na sabwatan para manloko sa pagdinig na isinagawa ngayon sa Shatin Court.

Nang i-deklara ni Magistrate David Chum ang kanyang hatol na apat na buwang pagkabilanggo, tumayo ang taga-usig upang sabihin na dapat ay mas mabigat ang parusa ni Luansin dahil mas matindi ang kanyang kasalanan.

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Ito ay dahil binago ang kaso ni Luansin. Imbes na simpleng pagsisinungaling sa Immigration Officer upang maaprubahan ang kanyang DH visa, ginawa itong "conspiracy to defraud," na mas malala ang parusa.

Ayon sa Crimes Ordinance, ang sino mang mapatunayan na gumawa ng ganitong krimen ay mapaparusahan ng hanggang 14 na taong pagkabilanggo.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Dahil dito, itinigil ni Magistrate Chum ang pagdinig sa kaso at inutos sa taga-usig na magsaliksik at hanapin ang mga nakaraang kahalintulad na kaso upang pagbasehan niya ng tamang parusa.

Nang tawagin ulit ang kaso ni Luansin matapos ang mahigit isang oras, ipinaliwanag ni Chum na kailangang baguhin ang parusa dahil mas mabigat ang krimeng inamin niya. Sinabi rin ng abogado ni Luansin na ipinaliwanag na niya ang bagay na ito sa akusado.

Sinimulan ni Chum ang parusa ni Luansin sa 18 buwan na pagkabilanggo, pero dahil sa kanyang pag-amin ay binawasan ito ng 1/3, kaya naging 12 buwan.

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Habang inaalalayan siya ng mga pulis pabalik sa kulungan, tumingin si Luansin sa mga nanonood sa korte para sa  huling sulyap sa kanyang kasintahan, na katabi ng kanyang kapatid na babae.

Nag-ugat ang kaso ni Luansin nang ipirma niya ang isang Intsik na employer sa kanyang kontrata bilang domestic helper noong 2022. Nabisto siya noong Feb. 26 na hindi naman pala siya nagtatrabaho sa nakalistang employer niya.

Inamin niya sa imbestigasyon na nagbayad siya ng $5,000 sa isang Alex, na nagtatrabaho sa isang employment agency, upang lakarin ang papeles niya.

Pindutin para sa detalye!

Dahil nakipagtulungan siya sa ibang tao para dito, naging mas malaki ang kanyang kasalanan kesa sa simpleng pagsisinungaling sa Immigration officer.

Bago rito, hiniling ng abogado ni Luansing ang pinakamagaang na parusa dahil ang tangi niyang dahilan sa ginawa ay gusto lang niyang makapiling ang kanyang kasintahan, na isa ring domestic helper.

Sinabi ng abogado na hiwalay si Luansing sa asawa at siya ang tanging inaasahan ng kanyang nag-iisang anak at mga magulang na may sakit, na pawang nasa Pilipinas.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss