Iba-iba ang kinahinatnan ng tatlong akusado sa Eastern Court |
Nagsanga ang mga landas ng dalawang Pilipinang nag overstay at isang Briton
na naharap sa kasong droga sa Eastern Court matapos silang mahuli sa Wanchai
noong Sept. 2-3, 2022.
Ang Briton, si Sam Burcher, 23 taong gulang at estudyante, ay pinagmulta ng $5,000. Bumalik sya sa korte gaya ng pangako
niya noong maglagak ng $50,000 kapalit ng pagpayag ng korte na ituloy muna niya
ang kanyang pag-aaral sa UK.
Iginawad ni Magistrate Daniel Tang ang parusa kay Burcher
noong Miyerkules (March 23) matapos siyang umamin sa sakdal na pagkakaroon (o
possession) ng 2.56 na gramo ng marijuana nang arestuhin ng pulis sa harap ng Hong
Kong Bldg. sa Wanchai.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Inutos ni Tang na kaltasin ang multa sa piyansang $50,000 na mababawi
ni Burcher dahil tapos na ang kaso niya.
Ang kaso naman ng dalawang Pilipinang naaresto kasama niya at
inakusahang nagbebenta ng marijuana ay nagpapatuloy pa.
Pero si Teodora Quijano, 33 taong gulang at walang trabaho, ay pinayagang magpiyansa ng $5,000 matapos iurong ng taga-usig ang kasong drug trafficking laban sa kanya.
Ang tanging
kasong hinaharap niya ngayon ay paglabag sa kondisyon ng kanyang paglagi sa Hong
Kong, dahil siya ay nag-overstay.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nang mahuli siya sa 2nd floor ng Hong Kong Bldg.,
nadiskubre na si Quijano ay tatlong buwan nang overstay. Naterminate siya bilang
domestic helper noong May 15, 2022 at dapat ay nakaalis na siya pagkatapos ng
14 na araw, o noong May 29, 2022.
Itinakda ni Magistrate Tang sa May 3 ang susunod na pagdinig
sa kaso niya.
Ang ikatlong akusado, si Maria Eldha Cabello, 33 taong
gulang at walang trabaho, ay nahaharap sa mas mabigat na kaso dahil ang susunod
na pagdinig sa kanya sa April 21 ay upang iakyat ito sa mas mataas na korte,
ang District Court.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Akusado siya sa dalawang kasong drug trafficking. Inakusahan
siyang nagbebenta ng droga sa hagdanan sa 3rd floor ng Hong Kong Bldg.
noong gabi ng Sept. 2, at sa Room 9 ng Ming
Court Guest Hotel na nasa 2nd floor ng gusali makalipas ang ilang oras.
Maliban sa mga kasong droga, kinasuhan din siya ng paglabag
sa kondisyon ng kanyang paglalagi sa Hong Kong, dahil nag-overstay siya ng halos
isang buwan.
Pindutin para sa detalye! |
Na-terminate siya noong July 29, 2022 at dapat ay nakauwi na
noong Aug. 11, 2022 pero naglagi pa siya hanggang mahuli noong Sept. 2.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |