Ang eskinita kung saan nahuli ang tatlong kinasuhan |
Isang Pilipina ang ikinulong nang dalawang linggo matapos siyang umamin kanina (March 21) na nagnakaw, kasama ang dalawa pa, ng dalawang bote ng Coca Cola at isang bote ng Champagne sa Tsim Sha Tsui.
Maliban dito, pinagbayad din si Bernadette Camarillo, 32
taong gulang, ng $180 bilang parte nya sa halaga ng ninakaw, na dapat ilagak sa
korte sa loob ng pitong araw.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Kinasuhan si Camarillo kasama ang lalaking si Walid
Boulatef, 44 taong gulang na Tunisian, at ang babaeng si Enkhisetsegmaral, 35 taong
gulang, pero ang dalawa ay hindi humarap sa Kowloon City Magistracy at hindi
sinabi kung ano na ang lagay ng kanilang kaso.
Ang tatlo ay pawang walang trabaho at nagtataglay ng
recognizance form bilang aplikante para mabigyan ng non-refoulement o pagbabawal
na pauwiin sila nang sapilitan sa pinanggalingan nilang bansa.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Nahuli ang tatlo noong March 3 sa eskinita na nasa likod ng 7
Pine Tree Road sa Tsim Sha Tsui na dala ang tatlong bote ng inumin. Lumabas sa
imbestigasyon na galing ang mga inumin sa katabing Thai Restaurant.
Itinakda ni Acting Principal Magistrate Peony Wong ang
parusa kay Camarillo sa tatlong linggong kulong, pero binawasan niya ito ng 1/3 dahil sa kanyang agarang pag-amin.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Humingi ng kaluwagan sa pagpaparusa ang abogado ni Camarillo,
na dumating sa Hong Kong noong 2018 at iniwan ang dalawang anak sa Pilipinas,
dahil maliit lang ang halaga ng ninakaw na payag niyang bayaran ang 1/3 na
parte niya.
Sinabi rin ng abogado na hindi lang siya ang may-gawa ng
krimen at nasangkot lang siya.
Pindutin para sa detalye! |
At dahil dalawang linggo na siyang nakapiit, hiningi rin ng
abogado ang agarang pagpapalaya kay Camarillo.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |