Responsive Ad Slot

Latest

Sponsored

Features

Buhay Pinay

People

Sports

Business Ideas for OFWs

Join us at Facebook!

2 kaso dahil sa pagtitinda ng pekeng t-shirt

26 March 2023

 

Ang lugar kung saan nasita ang Pilipina. (Google Map photo)

Dalawang kaso ang isinampa sa Eastern Court laban sa isang Pilipina matapos siyang masita na nagtitinda ng t-shirt sa tapat ng Exit F ng MTR Central Station.

Inakusahan si L. Soriano, 44 taong gulang, ng paglabag sa Trade Descriptions Ordinance at Immigration Ordinance sa kasong inihain ng Customs and Excise Department. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE!

Nahuli si Soriano noong Dec. 18, 2022 na nagtitinda ng 17 t-shirt na may tatak na Adidas, 19 na may tatak na Puma, 24 na may tatak na Levi’s at 20 na may tatak na Gucci.

Lahat ng mga t-shirt ay nagtataglay ng pekeng marka o brand.

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ayon sa Trade Descriptions Ordinance, ang parusa sa ganitong kaso ay multang aabot sa $100,000 at dalawang taong pagkakakulong.

Maliban dito, kinasuhan din si Soriano ng paglabag sa kondisyon ng kanyang paglagi sa Hong Kong bilang domestic helper. 

PINDUTIN PARA SA DETALYE

Ang foreign domestic helper’s visa na ipinagkaloob sa kanya noong Aug. 16, 2022 ay nagbabawal sa paggawa ng ibang trabaho at pagtatayo ng negosyo nang walang pahintulot ang director ng Immigration. 

BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS

Ayon sa Immigration Ordinance, ang ganitong paglabag ay pinapatawan ng parusang multa na hanggang $50,000 at kulong na aabot sa dalawang taon.

Pansamantalang nakalaya si Soriano sa bisa ng piyansang $1,000. 

Pindutin para sa detalye!

Itinakda ni Magistrate Daniel Tang ang susunod na pagdinig sa kaso sa May 10.

https://leade7.wixsite.com/thesunads/asiandragon
PADALA NA!
PRESS FOR DETAILS

CALL US!
Don't Miss