Dito nangyari ang away ng dalawang Pilipina. |
Dalawang Pilipina na parehong domestic helper ang nabigyan ng leksyon nang humarap ngayon sa Tuen Mun Court matapos silang mahuling nag-aaway sa pampublikong lugar sa Yuen Long.
Mas mabigat ang naging kasalanan ni A. Advincula, 53 taong
gulang at nakatira sa Tai Po, kaya’t pinagmulta siya ng $500 ni Deputy
Magistrate Tobias Cheng.
PINDUTIN PARA SA DETALYE! |
Ang nakaaway niya, si J. Andes, 37 taong gulang at
taga-Yuen Long, ay isinailalim sa bind-over o pangako na hindi na magkakasala sa
loob ng 12 buwan. Kapag nilabag niya ito ay pagmumultahin siya ng $1,000.
PINDUTIN PARA SA DETALYE |
Pinagbayad din si Andes ng $200 para ibalik ang nagastos ng korte sa kaso.
Lumalabas na hindi gaanong naghigpit si Magistrate Cheng sa
dalawa.
BOOK YOUR FLIGHTS NOW! PRESS FOR DETAILS |
Ayon sa Section 25 ng Public Order Ordinance, ang pag-aaway sa pampublikong lugar ay maaring parusahan ng multang aabot sa $5,000 at pagkabilanggo ng hanggang dalawang taon.
Kung ang kaso ay mas mabigat ay iaakyat ito sa District Court, kung saan ang parusa ay aabot sa limang taon.
Pindutin para sa detalye! |
Kinasuhan ng HK Police ang dalawa ng “fighting in public
place” matapos silang mag-away sa Kik Y Road sa Yuen Long noong Nov. 27, 2022.
PADALA NA! |
PRESS FOR DETAILS |
CALL US! |